Negosyong magpa- payaman sa pamilya
Sulat mula kay Gina ng Luna, Claveria, Misamis Oriental
Dear Sir Greenfield,
Kararating lang po ng mister ko nitong nakaraang September at may uwi po siyang konting pera. Balak sana naming magnegosyo para hindi mapunta sa wala ang pinaghirapan niya sa ibang bansa. Ang itatanong ko lang po sana, Sir Greenfield, ay kung anong negosyo ang mairerekomenda ninyo na may maliit lang na puhunan pero magbibigay sa amin ng suwerte para umunlad naman ang aming pamilya at para hindi na muling mawalay sa amin ang mister ko dahil pag nag-click ang negosyo naming sabi niya ay hindi na siya mag-aaboad. December 14, 1979 po ang birthday ko at October 5, 1979 naman ang mister ko.
Umaasa,
Gina ng Misamis Oriental
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Kapansin-pansin na parehong may malinaw na Business Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa palad ninyong mag-asawa. Ibig sabihin, higit kayong susuwertehin sa pagnenegosyo kesa sa pamamasukan basta’t lagi lang kayong magkasama at huwag maghihiwalay. Kung kaya’t kung sisimulan na ang negosyong may kaugnayan sa pagkain, ngayong nalalapit na kapaskuhan siguradong may pag-unlad at paglago ng kabuhayan na mararanasan.
Cartomancy:
Queen of Diamonds, Five of Diamonds at Six of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta’t magsimula na kayo ng binabalak n’yong neosyo sa taong ito ng 2016, sa edad mong 37 pataas, mabilis na uunlad ang inyong negosyo hanggang sa tuluyang lumago ang kabuhayan ng iyong pamilya at habang tumatagal, lalo pang uunlad at lalago ang inyong negosyo na may kaugnayan sa pagkain o kaya’y grocery.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.