MAGHA-holiday na naman dahil sa Undas kaya narito ang patakaran para sa tamang pasahod sa Oktubre 31 at Nob. 1.
May kaakibat na parusa sa mga employer na susuway sa patakaran sa tamang pasahod, ito ang paalala ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Kaya dapat sundin ang tamang pasahod sa Okt. 31 at Nob. 1 na idineklarang special non-working day.
Isa sa mga tradisyon na ginugunita ng ating bansa ay ang Araw ng Undas o All Saints Day.
Ang pagsunod sa batas-paggawa sa pagbibigay ng tamang pasahod sa itinakdang special non-working day ay nagtataguyod sa disenteng trabaho, manggagawang produktibo, at malakas na negosyo,
Sa Labor Advisory No. 15, Series of 2016, o ang patakaran sa pagbabayad ng sahod sa special non-working days ay ang mga sumusunod:
1. Kung ang empleyado ay hindi nagtrabaho, ang “no-work, no-pay” na alituntunin ang dapat ipatupad, maliban na lamang kung may polisiya ang kompanya o collective bargaining agreement (CBA) na nagbibigay ng sahod para sa special day;
2. Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw, makakatanggap ito ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang arawang sahod sa unang walong oras ng kanyang trabaho. [(Arawang sahod x 130 porsiyento) + COLA);
3. Para sa trabaho nang higit sa walong oras (overtime work), siya ay dapat bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang orasang kita sa nasabing araw. (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho);
4. Kung ang empleyado ay nagtrabaho sa nasabing araw at ito ay araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 50 porsiyento ng kanyang arawang kita sa unang walong oras [(Arawang sahod x 150 porsiyento) + COLA]; at
5. Para sa trabahong higit sa walong oras para sa nasabing araw at ito araw ng kanyang pahinga, dapat siyang bayaran ng karagdagang 30 porsiyento ng kanyang kada oras na sahod sa nasabing araw (Orasang kita ng kanyang arawang sahod x 150 porsiyento x 130 porsiyento x bilang ng oras na trinabaho).
Labor
Communications Office
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila
Telephone Nos.: 5273000 local 621-627
Fax No.: 5273446
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.