DLSU Green Archers naka-11 sunod panalo | Bandera

DLSU Green Archers naka-11 sunod panalo

Angelito Oredo - October 23, 2016 - 11:00 PM

Mga Laro sa Miyerkules
(Araneta Coliseum)
2 p.m. La Salle vs UE
4 p.m. UP vs NU
Team Standings: La Salle (11-0); FEU (8-2); Ateneo (6-4); Adamson (5-5); NU (4-7); UST (3-8); UP (3-8); UE (2-8)

NAKATUTOK na ang De La Salle University Green Archers sa awtomatikong silya sa kampeonato.

Ito ay matapos siguruhin ang isa sa dalawang twice-to-beat incentive sa semifinals sa muling pagpapalasap ng masaklap na kabiguan sa season host na University of Santo Tomas Growling Tigers, 99-56, Linggo sa UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Tanging sa unang yugto lamang naging mahigpitan ang labanan kung saan tanging apat na puntos lamang ang itinalang abante ng nananatiling malinis ang kartada na Green Archers, 19-15, bago nito pinalobo sa huling tatlong quarter para sa ika-11 sunod nitong panalo.

Nilimitahan ng La Salle sa walong puntos lamang sa ikalawang yugto ang UST habang naghulog ito ng kabuuang 26 para itala ang 22-puntos na kalamangan sa 45-23. Pinayagan lamang ng Green Archers makaiskor ng 14 puntos sa ikatlong yugto ang Growling Tigers habang naghulog ito ng 23 puntos para itala ang 68-37 abante.

Tuluyan na lumayo ang La Salle sa ikaapat na yugto sa paghulog ng kabuuang 31 puntos tungo sa pinal na iskor at itulak muli ang UST sa pinakamasaklap na losing margin na 43 puntos.

Pinamunuan ni Cameroonian Ben Mbala na nagtala ng 21 puntos at 15 rebounds at Jeron Teng na may 16 puntos ang La Salle na awtomatikong makukuha ang isang silya sa finals kung mawawalis ang natitirang tatlong laro sa huling ikot ng eliminasyon.

Matatandaan na pinalasap ng 38 puntos na kabiguan ng Green Archers ang Growling Tigers sa unang round. Nahulog ang season host sa kabuuang 3-8 panalo-talong kartada at naglaho na rin ang tsansa sa semifinals.

Agad makakatuntong sa kampeonato ang La Salle kung makukumpleto nito ang pagwawalis sa lahat ng laban at hayaang magsagupa ang ibang koponan para paglabanan ang ikalawang silya sa pangtitulong labanan.

Huling makakatapat ng Green Archers sa natitira nitong tatlong laro ang University of the East, Ateneo de Manila University at ang nagtatanggol na kampeon na Far Eastern University.

Sa ikalawang laro, tinambakan ng Ateneo Blue Eagles ang National University Bulldogs, 65-50.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagtala si Raffy Verano ng career-high 20 puntos para pangunahan ang Blue Eagles na umangat sa 6-4 karta.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending