Cabinet Sec mas focus sa ‘peace’ kaysa sa ‘welfare’ ng publiko
DISMAYADO ang ilang tauhan ng isang Cabinet member dahil iba raw ang priority ng kanilang Boss kumpara sa mga dapat niyang inaasikaso sa loob ng kanyang tanggapan.
Sinabi ng ating Cricket na habang abala ang lahat dahil sa magkasunod na bagyong Karen at Lawin, iba naman ang inaasikaso ng bida sa ating kwento.
Mas excited daw siya sa updates na inaayos ngayon ng pamahalaan bilang bahagi ng paghahanap ng tunay na kapayapaan sa bansa.
Malayo ang concerns na ito sa dapat niyang mga ginagawa sa kanyang departamento ayon sa
ating Cricket.
Yun daw ang dahilan kung bakit nagkakalat sa mga media interviews ang kalihim.
Hindi niya alam ang latest sa loob mismo ng kanilang tanggapan dahil iba ang kanyang mga
inaasikaso.
Mas mahaba raw ang inuubos niyang oras sa pakikipagpulong sa mga dati niyang kasamahan sa kinaaniban nilang kilusan.
Nakakadismaya dahil hindi ito ang inaasahan mula sa opisyal na noong mga unang araw niya sa pwesto ay nakilala sa husay maglabas ng mga plano.
Puro lang pala drawing dahil hanggang ngayon ay radikal pa rin at makakaliwa ang kanyang pananaw kahit na sa mga simpleng isyu, ayon pa sa ating Cricket.
Buti na lang at maraming mahusay sa loob ng kagawaran tulad ng ilang Usecs na marunong magpaliwanag ng mga isyu sa loob ng kanilang departamento.
Importante ang posisyon ng Cabinet secretary na ito dahil siya ang direktang link ng gobyerno sa publiko para mabilis ang tulong na maiaabot ng pamahalaan sa publiko.
Sinabi tuloy ng ating Cricket na wala rin pala siyang ipinag-iba sa kanyang pinalitan na kalihim sa nakaraang administrasyon na nakilala naman noong araw sa yabang ng kanyang pamamahala.
Ang cabinet secretary na tila hindi seryoso sa kanyang trabaho dahil sa mga sunud-sunod na kapalpakan sa gobyerno ay si Sec. J. As in Judea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.