Sey mo Pauleen, Kim Domingo type ma-experience ang kamandag ni Vic | Bandera

Sey mo Pauleen, Kim Domingo type ma-experience ang kamandag ni Vic

Ervin Santiago |October 21,2016
facebook
share this

Sey mo Pauleen, Kim Domingo type ma-experience ang kamandag ni Vic

Ervin Santiago - October 21, 2016 - 12:10 AM

KIM DOMINGO AT VIC SOTTO

KIM DOMINGO AT VIC SOTTO

WALANG kaabug-abog na inamin ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo na dream leading man niya ang asawa ni Pauleen Luna si Vic Sotto.

Sa media conference na ibinigay ng San Miguel Corp. sa bagong Pantasya Ng Bayan bilang 2017 Ginebra Calendar Girl kamakalawa, pangarap daw talaga ng dalaga na makatrabaho si Bossing in the future.

“Gustung-gusto ko talagang maka-partner si Bossing sa isang TV show o pelikula. Kasi, nag-Little Miss Philippines po ako noong year 2000 sa Eat Bulaga, siya po ‘yung talagang tumatak sa akin. Siya po ang nag-interview sa akin, hindi ko lang maalala ang tanong niya sa akin. Ha-hahaha!” ang chika ni Kim na siyang pinagnanasahan ngayon ng mga kalalakihan at katomboyan.

Hirit pa ng dalaga, “Siya talaga ang gusto kong maka-partner sa isang movie. Alam ko naman na iyong Enteng Kabisote ni Bossing, every year iba-ibang leading lady niya.

“Parang naisip ko na sana ako naman ang mapabilang sa leading lady ni Bossing kasi iba ang impact niya, di ba?” hirit pa ng Kapuso actress na huling napanood sa naughty serye ng GMA na Juan Happy Love Story kung saan nakipagtagisan siya ng pagko-comedy kina Heart Evangelista at Dennis Trillo.

Pero siyempre, kung merong natutuwa at nababaliw kay Kim, marami rin siyang bashers. Ngayong unti-unti na siyang sumisikat, handa na ba siyang harapin ang matitinding intriga na ibabato sa kanya?

“Yang mga intriga naman po kasi, nandiyan naman po talaga iyan.

“May gawin kang tama, may gawin kang mali, parang mayroon talagang intriga sa iyo. Basta ako, dedma na lang. Dati kasi, aaminin ko, mapagpatol ako sa mga comment talaga.

“As in iniisa-isa ko ‘yan. Tinitingnan ko kung sino ‘yong mga iba-block ko. Pero ngayon, dedma na lang.

Kasi, the more na pinapatulan sila, the more na inuulit-ulit nila, mas nagiging happy sila kapag nakikita nilang naaapektuhan ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinag-aralan ko po ‘yon na dedmahin na lang as long as wala kang ginagawang masama,” paliwanag pa ni Kim Domingo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending