P3.3T budget ng Duterte gov’t aprub na, inalis na pondo ng SUCs, ospital ibinalik
Leifbilly Begas - Bandera October 19, 2016 - 06:59 PM
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P3.35 trilyong budget para sa 2017— ang unang budget na ginawa sa ilalim ng Duterte administration.
Sa botong 243-5 at isang abstention, inaprubahan ang pinakamalaking budget ng gobyerno.
Ayon kay House committee on appropriations chairman Karlo Nograles, ng Davao City, ibinalik nila sa National Expenditure Program ang inalis na Maintenance and Other Operating Expenses na inalis ng Department of Budget and Management sa State Colleges and Universities at mga ospital ng gobyerno.
“We are one in the belief that these SUCs and our government hospitals must be given utmost priority at all times. Quality education and quality health care are key public services that have a direct impact on our nation’s future,” ani Nograles na nagsabi na handa siyang ipagtanggol ang kanilang posisyon.
Binawasan ng DBM ang MOOE ng 65 ospital ng pinatatakbo ng Department of Health at 34 SUCs at hinayaan ang mga ito na maghanap ng kakulangan.
Kasama sa ibinalik ang P85 milyong pondo ng University of the Philippines-Manila para sa modernisasyon ng mga laboratoryo ng College of Dentistry, pagpapagawa ng gusali ng College of Nursing building at pagbili ng generators.
Umabot sa P233.741 milyon ang kabuuang ibinalik sa mga SUCs at P1.538 bilyon naman sa mga ospital ng gobyerno.
“Any deterioration in public health would reflect on the leadership of President Duterte so we are making sure that our government hospitals will continue to deliver quality health care to our people,” dagdag pa ni Nograles.
30
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending