Signal no. 5 itinaas sa 4 na probinsiya dahil sa pananalasa ni ‘Lawin’
MAS maraming probinsiya ang isinailalim sa signal number 5 habang papalapit ang supertyphoon sa Northern Luzon.
Kabilang sa mga sakop ng signal No. 5 ay ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao.
“Ang mararanasan nila ay delubyo po at hindi nalalayo sa pinsala ng ‘Yolanda’,” sabi ni weather forecaster Aldczar Aurelio.
Nakataas naman ang signal No. 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan group of islands
Signal No. 3 naman sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino at Northern Aurora
Signal No. 2 naman sa Batanes group of islands, Pangasinan, Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, northern Zambales at northern Quezon, kasama na ang Polillo Islands
Signal No. 1 naman sa natitirang bahagi ng Zambales, Bulacan, Bataan, Pampanga, Rizal, rest of Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay at Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.