TV network ‘nilaglag’ sa isyu ng illegal drugs
OF PARTICULAR interest sa amin ang mga pahayag ng komedyanang si Tart Carlos a.k.a Doris sa now-defunct daytime series ng ABS-CBN na Be Careful With My Heart sa podcast ng programa ni Mo Twister. Tungkol ‘yon sa umano’y pag-a-assist ng isang TV network sa kanilang mga bituin na posibleng gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Isang panawagan ‘yon through text message kung saan hinihikayat daw ng istasyon ang mga user to come forward at the risk of being “publicly shamed” nang sa ganoon ay maturuan sila ng pamamaraan to test negative for drug use.
By paraan, ang tinukoy ni Tart ay ang mga dapat i-ingest ng sasailalim sa test para hindi mag-reflect kung anumang drug substance mayroon ang system nito sa katawan.
Two-pronged ang hakbang na ‘yon ng network: para sa kapakinabangan ng kanilang mga artista and at the same time preserving the good image of the network. Gusto naming sakyan ang rebelasyong ito ni Tart, that is, if indeed there exists such a network directive to protect both interests.
Kung sa layunin ay maganda ang layunin ng istasyon na pangalagaan ang kanilang mga artists. It is both deemed as the network’s duty and the artist’s privilege. Pero ano nga ba ‘yung tinatawag na Machiavellian principle? “The end does not justify the means.”
No doubt, ang end o layunin ng istasyon ay maganda, pero ang pamamaraan ay hindi. Sa isang simpleng analogy lang namin ilalarawan ang senaryong ito.
Again, kung totoo ngang may umiiral na polisiya ang istasyon batay sa pagsisiwalat ni Tart.
Walang iniwan ‘yan sa isang mag-aaral na nakatakdang kumuha ng eksamen kinabukasan pero hindi man lang niya binuklat ang librong dapat sana’y inaral niya nang magdamag para tiyak na maipapasa na niya ang pagsusulit.
Ito ang kunsintidor niyang tutor. Binigyan siya ng kodigo na naglalaman ng lahat ng mga sagot sa test paper. Walang kamintis-mintis ‘yon, perfect score ang estudyante. At ‘yun na nga ang nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.