Sino ang makapangyarihang personalidad na humarang sa show ni Kris sa GMA? | Bandera

Sino ang makapangyarihang personalidad na humarang sa show ni Kris sa GMA?

Cristy Fermin - October 19, 2016 - 12:30 AM

kris aquino

PINAGPIPISTAHAN ngayon sa maraming umpukan sa showbiz kung sino ang “makapangyarihang” kamay na humarang sa paggawa ng proyekto ni Kris Aquino sa APT Entertainment.

Kasado na raw kasi ang lahat, napagmitingan na ng magkabilang kampo kung anu-anong proyekto ang gagawin ng aktres-TV host sa balwarte ni Mr. Tony Tuviera, minsan na nga silang nag-taping pero biglang naudlot ang lahat ng mga plano.

Ayon sa mga kuwento ay may gustong ipakuhang cameraman si Kris na kabisado ang kanyang mga anggulo, pero may regular pala itong trabaho sa Dos, hindi nito maiiwanan ‘yun para sumama ito kay Kris sa APT.

Pero kailan lang ay lumabas ang balita na may isang malaking taong humarang sa paggawa ng proyekto ni Kris sa APT Entertainment, ‘yun daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nakatengga ang aktres-TV host, kaya ang tanungan ngayon ng marami ay kung sino nga ba ang makapangyarihang personalidad na ‘yun na naging dahilan ng pagkaudlot ng mga plano nina Kris at Mr. Tuviera?

Napakalaki nga siguro ng nasabing personalidad para talunin ang mga nakaplano nang gawin ni Kris at ng APT, makapangyarihan nga ito, dahil sa isang iglap ay nabantilawan ang career ni Kris sa produksiyon.

Ang tanong, sino nga ba ito, ano ang dahilan at mukhang ayaw nitong magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang karera ng aktres-TV host na pinagsaraduhan ng pintuan ng ABS-CBN?

Gaano ba ito kalakas para harangan ang mga bagay-bagay na planado na at implementasyon na lang ang kailangan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending