Vice inireklamo ng mga moralista dahil sa pagkunsinti kay Makmak | Bandera

Vice inireklamo ng mga moralista dahil sa pagkunsinti kay Makmak

Ervin Santiago - October 19, 2016 - 12:15 AM

vice ganda at aura

AYAW nang magpakanega ni Vice Ganda kaya hindi na niya papatulan pa ang ilang moralista na kontra sa kabaklaan nila ng child star na si McNeal Briguela o mas kilala bilang Makmak sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sikat na sikat na nga ngayon si Makmak na nakilala muna bilang si Aura dahil sa viral videos niya sa social media kung saan ginagaya niya ang mga dialogues at eksena sa mga classic Pinoy movies.

Naging regular si Aura sa Ang Probinsyano ni Coco Martin dahil sa husay na ipinakita nito sa unang araw pa lang niya sa programa. Kaya naman kahit si Coco ay napabilib niya sa natural niyang akting.

Bukod kay Coco at sa milyun-milyong viewers ng Probinsyano, naawrahan din ni Makmak ang Unkobogable Star na si Vice Ganda. Sa katunayan, isa sa most-applauded ang segment nila sa nakaraang “Pasasalamat” concert ng Probinsyano sa Araneta Coliseum.

“Nakakatuwa siya, nu’ng pinapunta ko nga siya dun sa bahay ko, sabi ko punta ka dito kasi may ituturo ako sa iyo. Kumuha ako ng script tapos binasa ko sa kanya, ang bilis-bilis niyang matuto, pinapakinggan niya lang. Isang beses pa lang niya binasa yung sinulat ko, alam na niya agad,” kuwento ng TV host-comedian sa panayam ng ABS-CBN.

Naniniwala rin si Vice na malayo pa ang mararating ni Makmak sa showbiz kung seseryosohin niya ito, “Mabilis siyang matuto, mabilis ang utak niya. Masarap siyang i-hone, madali siyang i-develop.”

In fairness, si Vice talaga ang pumili kay Aura para makasama sa second movie nila ni Coco kung saan kasama rin ang isa pang magaling na child star, si Onyok.

Nang tanungin naman si Vice tungkol sa reklamo ng ilang moralista na kinukunsinti pa niya ang kabaklaan ni Makmak sa kabila ng murang edad nito, tugon ng It’s Showtime host, “Mahabang talakayin ‘yan, paniniwala yan ng gustong paniwalaan iyan.

“Pag kinontest mo yan hahaba. Kung ano ang gusto ninyong paniwalaan, paniwalaan ninyo kasi kahit anong paliwanag ang ibigay mo, kung sarado ang utak mo, di kayo magkakaintindihan.

“Ngayon ang dami ng isyu sa Pilipinas na di na nagkakaintindihan kaya ayoko nang dagdagan pa. Kung yun po ang paniniwala ninyo, bahala po kayo,” depensa ng TV host-comedian.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending