Ryza Cenon napaiyak bago kunan ang 'selfie sex' sa indie movie | Bandera

Ryza Cenon napaiyak bago kunan ang ‘selfie sex’ sa indie movie

Ervin Santiago - October 18, 2016 - 12:05 AM

ryza cenon

SI RYZA Cenon ang puwedeng tawaging Millenial Dukit Queen! Walang takot kasi na pinaligaya ang sarili sa malandi niyang eksena sa indie film na “” na isa sa entries sa on-going QCinema International Film Festival sa Gateway Cineplex.

“First time ko siyang nagawa, and naiyak ako bago ako magpunta sa set. Biglang nag-flashback ‘yung mga nagawa ko dati, and it made me realize how big an opportunity this is. I think this helped me improve my craft as an actress,” pahayag ni Ryza nang ipainterbyu ng GMA Artist Center bago ang world-screening last Sunday.

Mas kinaya raw niya ‘yung masturbation scene niya kesa sa pakikipag-lovemaking sa kapareha.

“Mas kontrolado mo kasi ‘yung eksena. Ikaw lang mag-isa. Kasi pag may kaeksena ka na, siyempre, hindi mo maku-control ang nararamdaman ng kaeksena mo,” rason ng Kapuso actress.

Kahit sinimulan nang gawin ni Ryza ang eksenang pinapaligaya ang sarili, hindi ibig sabihin eh, susunggaban na niyang lahat ang projects na may ganoong eksena.

“Ayoko namang ma-box sa ganoon. Gusto ko pa ring ma-try ang iba pang character,” katwiran niya.

Kung hilingin siyang magpakita ng boobs sa susunod na movies, ang materyal ng film ang una niyang bibigyan ng importansiya. Sa “Ang Manananggal”, isang mature na Ryza Cenon ang makikita ng manonood.

“It’s about time na rin siguro. Sobrang blessed nga po ako at nabigyan ako ng ganitong break na maipakita ko na kaya ko,” tugon niya.

Sa unang audition ni Ryza sa role, pinabasa sa kanya ang dialogue ng kaibigan ng bida. Eh, nang sinabi sa kanyang subukan ‘yung role ng bida, parang tumama siya sa lotto dahil nagustuhan siya ng line producers na sina directors Jun Lana at Perci Intalan.

So ngayong dumarating na ang magagandang breaks sa kanya, hindi na siya nakakaramdam ng depression?

“Wala na. Pero meron pa rin siyempre. Hindi pa rin mawawala ‘yon na malungkot. Hindi lang sobra-sobra na mapupunta sa depression,” tugon ni Ryza.

Last year, si LJ Reyes ang nanalo bilang best actress. So kaya niyang pantayan ang ginawa ni LJ? “Wala namang kumpetisyon. Magkaibigan kami ni LJ. Mas maganda kung makuha ko rin kasi ka-batch ko siya sa Starstruck. Wala namang isyu roon.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, si Martin del Rosario ang kapareha ni Ryza at si Prime Cruz ang director ng kakaibang manananggal movie na ito.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending