State-of-the-art volleyball mapapanood sa 2016 FIVB Women’s Club World Championship | Bandera

State-of-the-art volleyball mapapanood sa 2016 FIVB Women’s Club World Championship

Angelito Oredo - October 16, 2016 - 01:00 AM

IPAPAKITA ng nag-oorganisang Eventcourt kapares ang SportsCore ang mga makabagong inobasyon na inaasahan na magbibigay sigla sa manonood ng world-class volleyball entertainment sa pagsambulat ng FIVB Women’s Club World Championship sa darating na Martes, Oktubre 18, sa Mall of Asia Arena.

Sinabi ni Ramon Suzara ng nag-oorganisang Philippine Superliga (PSL) na gagamitin nito sa unang pagkakataon ang Hawkeye replay system para sa kahusayat at integridad ng officiating sa torneo.

Isang state-of-the-art computer system, ginagamit ng Hawkeye ang pitong high-performance cameras na nakalagay sa istratehikong posisyon upang masiguro na tama at karapat-dapat ang magiging desisyon ng mga opisyales. Una na itong ginamti sa torneo tulad ng Olympics, World Championships, Olympic qualifiers at World Grand Prix.

Maliban sa Hawkeye ay gagamitin din sa star-studded na torneo ang tablet system para sa interaksyon sa pagitan ng bench at table officials.

Unang isinagawa sa world club tourney nakaraang taon sa Zurich, ang mga coaches ay bibigyan ng tablet mula sa Data Volley na nakakabit sa table officials upang agad na maitala ang kanilang starting roster at substitutions, timeouts at challenges na mas madali.

Ang Data Volley ay gagamit din ng e-score sheets sa pagbibigay ng mga game statistics.

“This will be the first time for our local fans to witness these world-class volleyball technologies in action,” sabi ni Suzara, na isa rin miyembro sa International Volleyball Federation at Asian Volleyball Confederation.

“With the use of these cutting-edge technologies, we would be able to provide spectators both in TV and at the venue a better understanding of the game. It aims not only to provide entertainment, but also to keep them aware of what’s happening on the court.”

Idinagdag ni Suzara na gagamitin din sa unang pagkakataon ang Senoh transport system na unang ginamit sa mga laro ng PSL Grand Prix. Makikita rin ang bagong flooring na tinaguriang Gerflor tri-color volleyball floor pati na rin ang naiiba na LED digital ad boards sa courtside.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending