Kabaklaan sa tv at pelikula mabentang-mabenta | Bandera

Kabaklaan sa tv at pelikula mabentang-mabenta

Ambet Nabus - October 15, 2016 - 12:05 AM

till i met you and the third party

HMMMM, mukhang in na in nga ngayon sa mga teleserye at mainstream Pinoy movies ang mga kuwentong kabadingan.

Winner ang Star Cinema movie na “The Third Party” dahil isa na nga itong certified hit plus nakakuha pa ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board. Pinag-uusapan din ang kemistri bilang magka-loveteam nina Sam Milby at Zanjoe Marudo na gumanap na gay lovers sa pelikula.

Soon to be shown naman ang very obvious titled gay film nina Anne Curtis, papa Dennis Trillo at Paolo Ballesteros na “Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend?” Sa title pa nga lang, alam mong sesentro rin ang kuwento sa kabadingan.

Sa TV naman, aba’y kaliwa’t kanan din ang rampahan ng mga beki. Major-major pa nga ang eksena ng mga ito sa istorya ng JaDine series na Till I Met You kung saan nagkakagustuhan na nga ang mga karakter nina Prince Stefan at JC Santos.

Sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi, gaganap ding bading si Albie Casino.

“Makikiuso lang. Sana po magustuhan ninyo dahil napakaganda ng istorya ng ginampanan kong papel. I am proud to say that this role is a big challenge for me. Mahirap na masarap at sobrang nakaka-nerbyos,” sey ng binata na ayaw nang magsalita pa tungkol sa kontrobersyal na isyu sa kanila ni Andi Eigenmann.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending