Emergency power na walang plano | Bandera

Emergency power na walang plano

Ira Panganiban - October 14, 2016 - 12:10 AM

SA katatapos na pagdinig sa emergency powers na hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte para maayos ang problema ng trapiko sa bansa, lumalabas na walang plano ang Department of Transportation para sa aayusing problema.

Nang dikdikin ni Senador Ralph Recto si DOTr Undersecretary Raoul Creencia, napaamin ni Recto ang alalay ni DOTr Secretary Art Tugade na humihi-ngi pa lang sila ng emergency powers at matapos nito ay saka lang sila magbabalangkas ng plano para ayusin ang magulong sitwasyon ng trapiko sa bansa.

Nakakabahala ito dahil para saan ang emergency powers kung wala naman patutu-nguhan ang pagbibigay nito sa kagawaran na dapat magpatupad. Ano ang sinasabi nila sa DOTr, na ibigay muna ang kapangyarihan bago sila magsimula magtrabaho?

Napakarami ng mga plano na magaganda sa mga nakaraang administrasyon na ibinasura dahil sa kung anong dahilan. Kung tinatamad o walang maisip ang DOTr, puwede nila kopyahin yung mga lumang plano at ito ang ipirisinta sa Senado para meron naman silang maibigay.

Ang hirap naman nang bibigyan ka ng kapangyarihan at pondo pero walang siguradong patakaran mula sa opisina mo kung ano ang gagawin ninyo at kung saan gagastusin ang pera.

Baka naman gusto magtrabaho ng konti ng DOTr.

Katatapos lang nga Philippine International Motor Show sa World Trade Center at napakaganda ng naging pagtanggap ng motoring public sa palabas ng kotse na ito.

May mga motoring journalist na rin na dumadayo sa bansa para tignang ang PIMS 2016 at kung ano ang mga sasakyan na ibinunyag dito ng mga gumagawa ng kotse sa bansa.

Ang mga trade show tulad nito ang nagbibigay ganda sa business opportunities sa Pilipinas na maaaring samantalahin ng mga dayuhang negosyante at magtayo ng negosyo dito.

 

Auto Trivia: Ang Matchbox ay isang sikat na laruang kotse na ginawa ng Lesney Products noong 1953. Ito ay pag-aari na ngayon ng Mattel Inc. Ito ay maliliit na kopya ng mga sikat na kotse na puno ng detalye. Ang unang Matchbox model ay ang 1953 Aveling Barford Diesel Road Roller.
May, reaksiyon, galit at ideas? Sumulat sa [email protected].

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending