'Sige, pero bayaran n'yo ang nagastos sa mga preparasyong ginawa ng gobyerno! | Bandera

‘Sige, pero bayaran n’yo ang nagastos sa mga preparasyong ginawa ng gobyerno!

Jun Nardo - October 13, 2016 - 12:15 AM

miriam quiambao

LUMANG isyu na pilit binubuhay ang pag-ayaw ng ilang grupo ng mga kababaihan sa mga beauty contest.

Rason noon ng ilang concerned women groups and citizens, nagbibilad lang daw ng kanilang mga katawan ang mga kalahok na parang karneng itininda sa palengke, huh! Bakit daw pumapayag ang mga babaeng kandidata na magpiyesta sa kanilang hubad na katawan ang mga lalaki habang rumarampa sila sa stage.

Juice ko naman, lumang tugtugin na ‘yan. Millennium na ngayon at makabago na ang panahon. Tapos na ang mga araw na mababa ang tingin ng mga lalaki sa mga kababaihan na sumasali sa mga beauty pageant.

Tama ang rason ni Miriam Quiambao na isa ring beauty queen at naging runner-up pa sa Miss Universe. Pantay-pantay na ang lalaki at babae ngayon. Wala nang diskriminasyon, huh!

Pabor din si Miriam at iba pang Pinay beauty queen na gawin sa bansa ang Miss Universe 2017.

Karangalan sa bansa ang prestigious pageant. Malaking tulong ito sa turismo at may pagkakataong mabigyan ng trabaho ang ilang Pinoy na jobless.

Wala namang substantial reason sa petisyon ng mga taong ito na iurong na ng pamahalaan ang pagho-host sa nasabing international pageant. Eh, ‘yung ilang tumututol naman, very obvious na ayaw kay Presidente Rody Duterte!

Sige nga, bayaran ng mga concerned kuno na mga grupong ito ang ginastos ng gobyerno sa pre-activities para sa paghahanda ng Miss U? Kung kaya nilang ibalik ang nagastos na budget ay saka sila magkukuda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending