Jaclyn, Andi suko na sa mga laiterang bashers, magrereklamo na raw sa NBI | Bandera

Jaclyn, Andi suko na sa mga laiterang bashers, magrereklamo na raw sa NBI

Cristy Fermin - October 13, 2016 - 12:20 AM

andi eigenmann at jaclyn jose

BUHAY na buhay na naman ang showbiz dahil sa dami ng mga isyung pinagpipistahan ngayon tungkol sa mga artista. May maganda, may hindi kagandahan, may nakawiwindang din.

Hanggang ngayo’y nasa gitna pa rin ng laban ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, napakarami pa ring namba-bash sa kanila, kaya mukhang hihingi na ng ayuda sa NBI ang best actress ng Cannes dahil sobrang sakit na para sa kanya ang mga salitang ikinukulapol sa pagkatao ng kanyang anak at apo.

Hindi pa rin pinagpapahinga ng mga bashers si Agot Isidro, sinabi na ni Pangulong Rodrigo Duterte na may constitutional right ang aktres na magpahayag ng kanyang saloobin, pero hindi ‘yun naging sapat na dahilan para tantanan na si Agot.

Mula umaga hanggang hapunan ay masasakit na upak pa rin ang kanyang kinakain, gutay-gutay na ang aktres, dahil pati ang kanyang personal na buhay ay pinasok na ng mga galit na galit na kasundaluhan ni Ka Digong.

At umeksena na rin si Kris Aquino. Ang lagay ay ibang artista lang ang puwedeng pagpistahan, paano naman siya, sabi siguro ng aktres-TV host.

Pero sa dami ng mga sinagot na tanong ni Kris ay iniwanan niya ang sitwasyon ng kanyang career ngayon. Hindi muna siya nagbigay ng mga detalye tungkol sa mga gagawin niyang proyekto sa APT, meron daw, pero hanggang du’n lang ang kanyang sinabi.

Ang basa tuloy du’n ng mga nagmamasid ay nagpapahabol pa rin siya sa ABS-CBN, gusto pa rin niyang bumalik sa dati niyang network, dahil hindi pala mas berde ang damo sa labas ng istasyong naging tahanan niya nang dalawang dekada.

Ganu’n nga ba ‘yun?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending