Pinoy handa na ba smoking, firecracker ban? | Bandera

Pinoy handa na ba smoking, firecracker ban?

Leifbilly Begas - October 12, 2016 - 01:29 PM

PINAPLANTSA na ng Malacanang ang Executive Order para maipatupad sa buong bansa ang smoking ban na una nang ipinatupad ni Pangulong Duterte sa Davao City.

Kung nagawa ito ni Duterte sa Davao City kung saan siya nagsilbi nang mahabang panahon bilang mayor, gusto niya na gawin ito sa buong bansa.

Inaasahan na lalabas na ang EO bago matapos ang buwan kaya magiging malamig ang Pasko ng mga smokers.

Bago pa ang mga debate ng mga tumatakbo sa pagkapangulo noong Mayo ay sinabi na ni Duterte na kanyang ipatutupad ang smoking ban sa buong bansa.

Punto niya, hindi laban sa mga naninigarilyo kundi para sa mga tao na hindi naninigarilyo na naaapektuhan din ang kalusugan dahil sa yosi.

Ang tsismis, ipagbabawal ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar—indoor man o outdoor.

Dahil ang pangulo na ang may gusto nito, papaano kaya magre-react ang mga kompanya ng sigarilyo?

Papalag kaya sila sa gusto ni Duterte?

Bukod sa EO, nais ng Department of Health na amyendahan ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) para mas maging malinaw ang regulasyon sa advertisement at ang mga lugar kung saan maaaring manigarilyo.

Gumagawa na rin ng hakbang ang DoH para makasunod ang bansa sa World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control na nananawagan na i-ban ang lahat ng uri ng advertising ng mga tobacco product.

Bukod sa sigarilyo, bawal din ang paputok sa Davao City sa ilalim ng pamumuno ng mga Duterte.

Bago naluklok sa Malacanang, ipinangako rin ni Duterte na ipaba-ban niya rin ang paputok sa buong bansa.

Naniniwala si Duterte na mas magiging ligtas ang Pasko at Bagong Taon ng mga Pinoy pag walang paputok.

Iiyak dito ang mga taga-Bocaue, Bulacan dahil sila ang maaapektuhan kahit maraming mga imported at ilegal na paputok ang naipapasok sa bansa.

Isa sa ipinagmamalaki ni Duterte ang zero injuries sa Davao City sa pagsalubong ng Bagong Taon at ito ang nais niyang mangyari sa buong bansa.

Sa ilalim ng Davao City Ordinance No. 060-02 Series of 2002 (https://www.facebook.com/notes/city-government-of-davao/firecracker-ban-in-davao-city/486257904759070/) hindi lamang ang pagbebenta ng paputok ang bawal kundi ang pagpapaputok mismo.

Ang paglabag ay may kaakibat na parusa na bumibigat kapag inuulit— P1,000 multa ang 20 araw hanggang isang buwang kulong sa unang paglabag; P3,000 multa at isa hanggang tatlong buwang kulong sa ikalawa; at sa ikatlo at P5,000 multa at tatlo hanggang anim na buwang kulong.

Kung ganito ay magdadalawang-isip ka bago ka magtinda o bago ka magsindi ng paputok.

Kaya itong ipatupad sa Davao City, pero mukhang magiging isang hamon para kay Duterte upang ipatupad ito sa buong bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At kung magtatagumpay si Duterte talagang magbabago ang Bagong Taon nating mga Pinoy. Talagang change is here.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending