Kris hinahanda na si Bimby sa paghaharap nila ng bagong anak ni James
NGAYON lang nasabi ni Kris Aquino na matagal na niyang inihanda ang anak niyang si Bimby na magkakaroon siya ng bagong kapatid sa amang si James Yap sa girlfriend nitong si Michella Cazolla.
Ipinanganak si Michael James noong Agosto 8 sa St. Lukes Medical Center at talagang proud daddy si James sa bago niyang panganay.
Hindi itinanggi ng Queen of All Media sa ginanap na Ariel event na nagkaroon siya ng agam-agam kung ano ang magiging reaksyon ni Bimby sa pagkakaroon nito ng kapatid sa ama pero sa awa naman daw ng Diyos ay okay daw ang pagtanggap dito ng anak.
Sabi ni Kris, “Thank You Lord, okay siya, okay si Bimb, he’s in a good place kasi I’ve been discussing it with him and say that, ‘please tell me when you’re ready (to see the baby) kasi let’s make the call.
“Let’s be the one to call them and say ‘tita Lea, (Michella), I want to meet my brother’ and them Bimb said, ‘okay mama, I’ll tell you when.’” pahayag pa ni Kris.
At dahil dito ay sobrang napuri si Kris ng mga taong nasa event dahil akala kasi ng marami ay walang ginagawang hakbang ang TV host para magkita ang magkapatid, kasi nga laging nasusulat na itinatago niya si Bimby sa amang si James Yap.
Samantala, nabanggit din ni Kris na wala siyang kontrata sa anumang TV network ngayon. Ibig sabihin hindi totoo na may pinirmahan na siyang exclusive contract sa GMA 7.
Read more: https://bandera.inquirer.net/133933/133933#ixzz4MnVpYeAm
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.