Mark pinakinggan ng korte, inilipat agad ng kulungan | Bandera

Mark pinakinggan ng korte, inilipat agad ng kulungan

Ervin Santiago - October 09, 2016 - 12:15 AM

mark anthony fernandez

KAHAPON nang umaga, inilipat na ng kulungan si Mark Anthony Fernandez. Ito’y matapos ngang dinggin ng korte ang ihinaing mosyon ng aktor nai-transfer siya ng piitan.

Umaga pa lang kahapon ay inilipat na si Mark Anthony sa Angeles City District Jail mula sa Angeles City Police Station 6. Actually, noong Biyernes pa ng gabi inisyu ang commitment order para sa jail transfer ng aktor ngunit nagdesisyon ang otoridad na ipinagpaliban muna ang pagbibiyahe kay Mark dahil gabi na.

Noong Huwebes, ipinagpaliban ang arraignment ni Mark Angeles sa Angeles City Regional Trial Court matapos mag-file ng motion ang abogado ng aktor.

Samantala, bago ilipat ng kulungan si Mark, nagkasabay naman sa pagdalaw ang ina ng aktor na si Alma Moreno at ang kanyang madrasta na si Lorna Tolentino sa Angeles City Police Station 6. Kasama ni LT ang kanyang mga anak na sina Ralph at Renz Fernandez.

Nag-usap-usap ang magkakapamilya sa isang kwarto sa presinto kasama ang legal counsel ni Mark Anthony na posibleng magtagal pa sa kulungan dahil wala ngang piyansa ang mga kasong isinampa laban sa kanya matapos mahulihan ng isang kilong marijuana.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending