Chakang female celebrity maldita na, ilusyunada pa | Bandera

Chakang female celebrity maldita na, ilusyunada pa

Cristy Fermin - October 06, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0429

ILANG ulit na bang inirereklamo ng marami ang pagiging maldita ng isang female personality? Palagi na lang. Kahit saan siya magpunta ay isa lang ang sinasabi ng mga nakakaengkuwentro niya, maldita na ay ilusyunada pa ang babaeng personalidad, palaging ganu’n.

Maraming kulang sa kanya, pero ang kakulangang ‘yun ay iniintindi na nga ng kanyang mga nakakatrabaho, pero mukhang sumosobra na ang female personality.

Kuwento ng isang source, “Sobrang feeling ang babaeng ‘yun! Meron kaya siyang salamin sa kuwarto niya? Kahit hindi marunong magsalita ang mirror, e, malalaman niya pa rin naman ang sagot na huwag siyang masyadong nagmamaldita dahil wala siyang itinatagong ganda!

“Pero ang feeling niya, e, pang-Miss Universe ang ganda niya kung makapagmaldita siya. Napakalakas ng loob niyang gawin ‘yun, e, teka lang naman muna, look who’s talking ba?

“Nakita siya sa isang bar ng mga friends ko, wala namang plano ang mga taong ‘yun na makipag-selfie sa kanya, pero ang sabi niya agad, e, pagod na pagod daw siya!

“Ma at pa! Ano naman ang pakialam nila kung pagod na pagod nga ang girl, e, wala naman silang kaplanu-planong magpa-picture sa tabi ng ilusyunadang ‘yun!

“Ang lakas-lakas talaga ng dating niya, napakalakas pa raw ng boses niya habang nakikipagkuwentuhan, kulang na kulang talaga siya sa pansin,” napapailing na lang na kuwento ng aming source.

Hindi rin siya makakalimutan ng isang impormanteng bumati sa kanya sa isang bar, pero sa halip na magpasalamat siya ay nagmaldita pa, kaya gustung-gustong lamukusin ng source ang kanyang pagmumukha.

“Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, ano nga kaya ang feeling ng girl na ito sa kanyang sarili, regalo siya sa lupa ng langit para sa mga kalalakihang pinagdududahan niyang may type sa kanya?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending