Nathalie Hart napaiyak, natensiyon sa pakikipag-love scene kina Luis at Joem
NAG-IIYAK at nag-hysterical pala ang Starstruck Avenger na si Nathalie Hart (dating Princess Snell) nang kukunan na ang matitinding love scene nila ni Luis Alandy para sa pelikulang “Siphayo”.
Ayon sa dalaga, nagkaroon ng tensiyon sa shooting ng nasabing pelikula dahil nga sa pagtanggi niyang gawin ang mga inuutos ng kanilang direktor na si Joel Lamangan. Hindi raw kasi in-expect ni Nathalie na ganu’n katindi ang gagawin nilang sex scene ni Luis. Bukod dito, meron din silang bed scene ng isa pang leading man sa pelikula na si Joem Bascon.
Sa “Siphayo”, gaganap na nurse si Nathalie na mai-involve sa karakter ni Allan Paule at sa dalawa nitong anak, na gagampanan nga nina Luis at Joem.
“Talagang na-shock ako, kasi iba ‘yung na-imagine ko habang binabasa ko ‘yung script. Yes, nag-usap kami ni direk Joel bago mag-shoot, in-explain naman niya kung bakit may mga ganu’ng eksena. Pero nu’ng nasa set na kami, talagang hindi ko kayang gawin.
“Sabi ko, I don’t wanna do porn. It’s not what I like in life!” ang pag-amin ni Nathalie nang makausap namin kahapon sa solo presscon niya para sa “Siphayo” produced by BG Productions International.
Ito ang magsisilbing launching film ni Nathalie at sinisiguro niyang masa-shock ang manonood sa mga eksenang ginawa niya sa movie. Kuwento pa niya, nagdesisyon siyang ituloy ang pelikula dahil na rin sa pagpapaliwanag ni direk Joel. Pinakalma raw siya nito sa shooting.
“Sabi sa akin ni direk, ‘I’m not a porn director. Kailangang gawin n’yo ito dahil ‘yun ang dapat na makita ng viewers. So, I just did it. I gave my all na sa unang take pa lang para hindi na paulit-ulit. After that, I felt relieved,” chika pa ni Nathalie na nagsabing hindi naman daw niya na-feel na nag-take advantage sa kanya sina Joem at Luis.
Actually, komportable naman daw ang sexy actress sa kanyang mga leading man, pero aniya, “Of course, iba pa rin ‘yung maghahalikan kayo, hahawakan ‘yung katawan mo, ‘yung boobs mo. That’s a different story na kasi, e. Pero because of direk Joel’s motivation and everything, nagawa ko naman daw nang tama.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.