DLSU Green Archers naka-6 sunod na panalo | Bandera

DLSU Green Archers naka-6 sunod na panalo

Angelito Oredo - September 29, 2016 - 12:00 PM

la salle

Mga Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena)
2 p.m. NU vs UP
4 p.m. UST vs FEU
Team Standings: DLSU (6-0); Ateneo (4-2); Adamson (3-2); FEU (3-2); NU (3-2); UST (2-3); UP (1-5); UE (0-6)

NALUSUTAN ng De La Salle University Green Archers ang pinakamatindi na marahil na hamon matapos mapatalsik sa laro ang coach nitong si Aldin Ayo at ang pisikal na laro kontra University of the East Red Warriors para sa 84-78 panalo tungo sa ikaanim nitong sunod na pagwawagi sa UAAP Season 79 men’s basketball sa Mall of Asia Arena Miyerkules.

Napatalsik si Ayo sa huling 1:12 ng second quarter matapos patawan ng dalawang technical foul ng sugurin nito sa gitna ng court ang isa sa namamahalang tatlong referee at iduldol sa mukha ng opisyal ang isang salamin dahil sa hindi nito nakamit na tawag sa point guard nitong si Aljun Jay Melecio.

Hawak ng Green Archers ang 40-28 kalamangan nang maganap ang sitwasyon na nasakyan sa likod si Melecio ng isang Red Warrior na naging dahilan upang maitapon nito ang bola. Gayunman, hindi ito tinawagan ng foul ng referee na siyang nagtulak kay Ayo para komprontahin ang opisyal.

Dahil sa ginawi ni Ayo ay nakaamba rito ang suspensiyon base sa sinusunod na code of conduct para sa mga coaches sa susunod na laban ng koponan kontra Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Nagpilit naman ang Red Warriors na makapagtala ng upset kung saan nagawa nitong makalapit sa apat na puntos sa pagsisimula ng ikaapat na yugto, 58-62, mula sa isang tres ni Clark Derige.

Gayunman, nagtulong sina Prince Rivero, Joshua Caracut at Melecio na ilayo ang Green Archers sa 72-58 at huling hawakan ang 78-67 abante, may 3:20 pa sa laro.

Dito na nagpasabog ang UE ng 7-0 bomba upang muling dumikit sa laban sa 74-78, may 1:39 sa laro subalit hindi nito nalampasan ang itinalang abante ng La Salle upang mahulog sa ikaanim nitong sunod na kabiguan at manatili na tanging koponan na walang naitatalang panalo sa torneo.

Isang tres ang pinakawalan ni Caracut, may 1:01 sa laro ang nagbigay sa La Salle ng 81-74 abante bago tuluyang inubos ang natitirang oras upang manatiling tanging koponan na hindi nakakatikim ng kabiguan sa torneo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending