Sarah payag sa remake ng 'DOREMI' kasama sina Yeng at Rachelle Ann | Bandera

Sarah payag sa remake ng ‘DOREMI’ kasama sina Yeng at Rachelle Ann

Ervin Santiago |September 29,2016
facebook
share this

Sarah payag sa remake ng ‘DOREMI’ kasama sina Yeng at Rachelle Ann

Ervin Santiago - September 29, 2016 - 12:01 AM

yeng rachel sarah

PAYAG na payag si Sarah Geronimo na i-remake ang pelikulang “DoReMi” ng Viva Films na pinagbidahan noon nina Regine Velasquez, Donna Cruz at Mikee Cojuangco.

At kung matutuloy man ito, gustong makasama ng Pop Princess ang mga BFF niyang sina Rachelle Ann Go at Yeng Constantino.

Kamakailan kasi ay nag-post sa Instagram si Rachelle Ann ng picture nilang tatlo na may caption na: “DoReMi remake?What you think? Hmmm. I love these ladies so much!”

Actually, si Sarah pala ang nagsabi kay Rachelle Ann na iyon ang ilagay na caption sa litrato nila. Sey pa ng singer-actress isang napakalaking achievement para sa kanya ang magbida sa remake ng “DoReMi”.

“Ako po ang nagsabi no’n sa kanya (Rachelle Ann). Nu’ng sinend niya sa akin ‘yung photo, sabi ko wow puwede ng ‘Do Re Mi.’ Si ate Shin si Regine, ako si Mikey and si Yeng si Donna Cruz. Kung tototohanin, why not? It will be an honor to do a remake ng ‘Do Re Mi,’” sey ni Sarah.

Anyway, back to work na si Sarah matapos ang dalawang buwang pagbabakasyon, “Yes, 100% back na. ‘Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ‘yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ‘yung kulang?

“And then I realized na you don’t work for other people to please them. ‘Yung main goal mo dapat is to share whatever you have.

“Kung ano ‘yung binigay sayo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya ng konti or sangkatutak, ang pinakaimportante is to glorify and honor Him sa kung ano ang ginagawa mo sa buhay mo,” sey ng GF ni Matteo Guidicelli.

Sa last quarter ng taon, gusto munang pagtuunan ng pansin ni Sarah ang kanyang singing career, “I’d like to focus more sa music ko at i-promote kasi ‘yung mga nakaraang album ko, hindi ko talaga na-promote ng maayos. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko.”

Tungkol naman sa paggawa niya ng bagong TV show, “Pitching pa lang ng new movie project. Concert, planning stage pa lang din po. TV shows, wala pa po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang naka-leave sa showbiz, maraming nagawa si Sarah tulad ng pagpasok sa cooking lessons, pole dancing at calligraphy lessons. Kamakailan lang ay spotted sila ni Matteo na magkasamang nag-hike sa Mt. Pico de Loro at sa Oslob, Cebu kung saan nagkaroon sila ng chance na makipag-bonding sa mga butanding.

At alam n’yo ba kung sino ang nakaisip ng mga ganu’ng activities? “Ako! Kasi lahat ng ito, na-experience na ito ng cousins ko like ‘yung swim with the butanding. Narinig ko sa cousin ko na ginawa na niya so naging part na siya ng bucket list ko.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending