De Lima napaiyak sa galit; ‘arestuhin na ninyo ako’
GALIT at emosyonal na humarap sa media si Senador Leila de Lima at matapang na hinamon si Pangulong Rodrigo Duterte na ipaaresto na siya.
“Sila ang nanggigipit sa akin. Masyado na nila akong ginigipit. Ako na nga ang naaapi tapos ganyan pa ang gagawin nila?” naiiyak na pahayag ni De Lima sa kanyang press conference sa Senado.
“Lahat na lang sinisi sa akin. And they call themselves men…Ganyan ba ang mga lalaki? They are fools, cowards and liars!” dagdag pa nito.
Hirit pa nito kay Duterte: “Para siraan nyo ako, hindi nyo na iniisip kung ano ang nagiging hitsura nyo sa mata ng bayan at sa mundo. Kayo na po ang pinagtatawanan, hindi po ako. Inonsente po ako.”
“Tama na, hulihin nyo na ako ngayon. Yun naman talaga ang gusto nyo. Ikulong na nyo ako ngayon, I’m here. Do what you want to do Mr. President. I’ll wait for you,” said the senator.
Sakabila nito, nanindigan si de Lima na hindi siya aalis ng bansa para takasan ang lahat ng akusasyon sa kanya.
“I want to fight here in my country. Hindi po ako duwag. Hindi ako pinalaki ng tatay ko na isang duwag. I will not leave the country to escape,” hirit pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.