INAKO ni San Miguel Beer coach Leo Austria ang pagkakamali kung bakit natalo ang Beermen sa Game One ng 2016 PBA Governors’ Cup semifinals match-up kontra Barangay Ginebra noong Lunes.
Aniya, hindi niya nagamit ng husto ang kanyang bench, dahilan para mabigo ang San Miguel, 108-115.
Walong players lamang ang nagamit ni Austria sa Game One kung saan na-outscore ng bench ng Gin Kings ang bench ng Beermen, 39-5.
“We have to include some players in the rotation because tonight we were able to use only eight players. I didn’t notice it because sa game, makikita mo na ayaw kong bumitaw sa rotation ko dahil nagma-match up kami. Maybe next game, it will be a different situation for us,” aniya.
Ayon kay Austria, tila napagod ang frontcourt ng SMB sa pagdepensa sa import ng Gin Kings na si Justin Brownlee.
“Most of the time ang bumabantay sa kanya si Arwind (Santos), pero makikita mo si Arwind pagod na pagod. Sometimes, nasa-stop niya, but we have to do something about him kasi it seems na sya ang nag-take over eh,” sabi ni Austria na nangakong babawi sa Game 2 mamaya.
“We have to get some players to be included sa rotation namin. Kanina, eight players lang yung naglaro and three players played 40-plus minutes. But in that kind of game, I cannot afford to rest somebody because gusto kong tutukan talaga yun eh, but it didn’t work in our way.”
Dagdag pa niya: “This is my decision. Ako ang nagkamali and it’s my fault.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.