Pacquiao tutungo sa U.S. Oktubre 22 | Bandera

Pacquiao tutungo sa U.S. Oktubre 22

Lito delos Reyes - September 28, 2016 - 12:15 AM

MANNY PACQUIAO

NAKATAKDANG umalis patungong Estados Unidos si Senator Manny Pacquiao sa Oktubre 22.
Doon ay sasailalim siya sa mas matinding ensayo sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California bilang paghahanda sa nakatakdang laban nito kontra World Boxing Organization welterweight champion Jessie Vagas sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center, Las Vegas, Nevada.
Huling lumaban si Pacquiao noong Abril 9, 2015 kung kailan tinalo niya si Timothy Bradley para sa bakanteng WBO International welterweight title sa MGM Grand in Las Vegas.
Matapos ang labang iyon ay iginiit ni Pacquiao na magreretiro na siya sa professional boxing ngunit nagbago ang kanyang isip at pumayag na lumabang muli kontra Vargas.
Nakatakda namang dumating sa bansa sa linggong ito ang chief trainer ni Pacquiao na si Freddie Roach. Kasama niyang darating ang unbeaten junior welterweight na si Jose Ramirez na isasalang ni Roach bilang sparmate ni Pacquiao.
Noong isang buwan ay nag-umpisa na si Pacquiao sa pag-e-ensayo sa ilalim ni assistant trainer Raides “Nonoy” Neri.
“Mabilis ang improvement ni Manny sa training. Mga 75 percent na siguro nasa condition si Manny,’’ sabi ni Neri nitong Lunes pagkatapos ng training session ni Pacquiao sa Elorde Boxing Gym ng SM Mall of Asia.
‘‘Pero, magdagdag pa kami ng sparring partners sa kanya.”
Bukod kay Leopoldo Doronio, na isang local lightweight contender, balak ni Neri na iharap din kay Pacquiao si WBC Eurasia Pacific Boxing Council welterweight champion Sonny Katiandagho (10-1-0, 6KOs) ng General Santos City.
“Mas mataas si Sonny at 5-foot-8,” sabi ni assistant coach Jonathan Penalosa.
Nais ng Team Pacquiao na itapat kay Pacquiao sa sparring sessions ang mga mas matatatangkad na boxers dahil si Vargas ay may taas na 5-foot-10 habang si Pacquiao ay 5-foot-6 lamang.
Dumating na nitong Lunes ang strength and conditioning coach ni Pacquiao na si Justin Fortune.
Ang 37-anyos na si Pacquiao (58-6-2, 38 KOs) ang kauna-unahang pro boxer na nahalal bilang Senador ng Pilipinas. —Lito delos Reyes

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending