Religious leader, frustrated singer | Bandera

Religious leader, frustrated singer

Den Macaranas - September 28, 2016 - 12:10 AM

ISA palang frustrated singer ang isang bigtime na religious group executive.

Mayroon kasi siyang instruction sa kanyang radio station na patugtugin, at least once every hour, kahit isa sa kanyang mga kanta.

Huwag ninyong maliitin si Sir dahil kumpleto ang kanyang koleksyon.

Mayroon siyang sets ng ballad, love songs, OPM, classic at pati na rin oldies.

Yun ang dahilan kaya walang rason ang mga DJs para hindi patugtugin ang kanyang mga kanta dahil nakakalat ito sa kanilang playlist.

Bukod sa pagpapatugtog ng kanyang mga kanta sa radyo, naoobliga rin na bumili bilang pakikisama at suporta sa kanyang music album ang mga kasamahan sa kinaaaniban nilang relihiyon.

Nakakatuwa lang dahil nagbo-volunteer din siyang kumanta pati sa mga kasal ng ilang mga kaibigan at kakilala.

Oks lang din naman ang kanyang boses maliban na lamang sa pronounciation ng ilang mga salita ayon sa ating Crickets.

Bukod sa pagiging aktibo sa kanilang relihiyon ay busy rin si Sir sa pagpapatakbo ng ilang negosyo na pinopondohan ng kanilang grupo.

Tunay na malayo na ang kanyang narating kumpara sa isang simpleng industriya na kanyang pinanggalingan.

In fairness, masipag naman si Sir kaya ang tingin ng ating Cricket ay libangan na lamang niya ang pagkanta pero kalaunan ay naipilit niya na isalang na ito on-air sa kanilang himpilan ng radyo.

Sinabi rin ng ating Cricket na huwag na tayong magtaka kung isang araw ay mapanood na rin natin siyang umaarte sa telebisyon o kaya ay sa pelikula.

Ang frustrated singer na lider ng isang religious group ay si Mr. R…as in Rasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kilala ba ninyo kung sinong tinutukoy sa kolum? O may komento o tanong kayo? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09163025071

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending