Ai Ai nakahanap ng bagong 'friendship Kris'; pinaligaya ang mga OFW sa Korea | Bandera

Ai Ai nakahanap ng bagong ‘friendship Kris’; pinaligaya ang mga OFW sa Korea

Jun Nardo - September 28, 2016 - 12:10 AM

ai ai delas alas at kris lawrence

NAKATAGPO si Ai Ai de las Alas ng bagong “Kris” sa buhay niya – si Kris Lawrence!

Isa si Kris sa special guests ni Ai Ai sa Araw ng Pyesta at Saya event na in-organize ng isang Catholic church sa Seoul, South Korea last Sunday. Madaling napasagot ang Comedy Concert Queen sa fund raising dahil para sa simbahan ang proceeds nito.

Dagdag na factor pa ‘yung kumontak sa kanyang fans niyang tumulong sa pag-aasikaso sa show at sa guests. Eh, gusto ni Ai na maging bongga ang handog niyang concert, dinala niya ang choreographer niyang si Ron pati na make up artist at hairdresser niya.

Hindi naman nasayang ang bayad ng dumagsang Pinoy dahil no-holds barred ang performance ng Comedy Queen. Nayanig agad ang venue pati na crowd nang lumabas siya sa stage, kumanta at sumayaw na para siyang pinaghalong Beyonce at JLo, huh!

Animo’y 20 years old ang pakiramdam ni Ai Ai na humataw, gumiling at kumembot sa stage habang kumakanta. Yet, hindi siya hingal na hingal. Parang wala lang ang ginawa niya. Malaking tulong ang diet ng Comedy Queen na organic na lahat ang kinakain!

Very casual din kasi ang pakikipagchikahan ni Ai sa mga tao at guests. Tawang-tawa nga sa kanya ang dalawang pari sa harap niya, ilang Korean officials at ang DFA Ambassador to South Korea na si Raul Hernandez kesehodang nahahaluan ng kalaswaan ang mga sinasabi niya.

No wonder, mabentang-mabenta pa rin si Ai Ai sa concert scene hindi lang dito kungdi sa abroad din. After Seoul, naka-line up na ang shows niya sa Singapore at Amerika. Pero never siyang tumatanggi sa “for a cause” na show gaya ng isang benefit show ng isang simbahan sa Kalookan para sa pagpapatayo ng rehabilitation para sa mga gumagamit ng droga!

Maraming-maraming salamat din kay Ai Ai dahil ngayon lang kami naka-experience ng birthday sa abroad. After ng show, hayun at binigyan kami ng cake at kinantahan ng kasama sa entourage niya with our sister sa Tau Lambda Kappa Franternity/Sorority na si Esther Won.

q q q

First time naman nakasama ni Ai Ai si Kris Lawrence sa concert. Nabaitan siya sa R&B Prince kaya naman biro niya, ‘Ikaw na ang aking Friendship! Ha! Ha! Ha!”

Sa totoo lang, underrated kasi si Kris bilang singer. Pero kayang-kaya niyang sabayan sa stage ang kaibigang si Jay-R na ipinamana na ang pagiging Prince kay Kris dahil R&B King na siya. Eh, sa bonggang performance ni Kris, biro namin sa kanya, siya ang karapat-dapat maging King!

Grand winner ng isang singing search si Kris. Ang single niyang “Kung Malaya Lang Ako” ang biggest hit niya. Kaya naman nang kantahin niya ‘yon sa concert, sigawan ang mga tao lalo na ‘yung mga mga sabit na sa buhay, huh!

Pero higit na nakilala ang R&B Prince nang magkaroon sila ng relasyon ni Katrina Halili. Nagkaroon sila ng anak, si Katie.

Sa chikahan with Kris, nasabi niyang civil naman sila ni Katrina. Meron na rin siyang girlfriend ngayon.
Nakasama namin si Kris sa isang show sa Jordan. That time, may relasyon na sila ni Katrina.

Ipinagmalaki pa niya ang tattoo sa braso na may picture at name ni Katrina.

Wala ba siyang balak ipabura ‘yon eh, base sa pahayag ni Katrina, wala nang pag-asang magkasama pa silang muli, “Meron pero ‘yung picture at name ng anak namin ang ipinalit ko,” sabi ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa rin sa guests sa show ni Ai ang anak na si Sancho de las Alas. Mana sa ina ang galing din niya sa pagsayaw.

Sa trip na ‘yon, nasaksihan namin ang pagiging responsible ni Sancho sa pag-assist sa bagahe at kailangan ng ina katuwang ang Pare niyang si Gerald Sibayan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending