Magaling na aktor nagdamot sa mga botante kaya natalo sa eleksiyon
TAWA nang tawa ang aming source tungkol sa kuwentong nakarating sa kanya kung bakit natalo nu’ng nakaraang eleksiyon ang isang kilala at magaling na aktor.
Hindi pa naman siya katandaan, pero lalo namang hindi na siya maituturing na bagets actor, pero walang kupas ang kanyang kakisigan.
Mula sa isang reality show ang aktor na ito na nabigyan ng magagandang oportunidad ng kanyang network para mapalutang ang kanyang husay sa pag-arte.
Kuwento ng aming source, “Paano namang hindi maoolat nu’ng nakaraang election ang isang ‘yun, e, napakakuring naman pala nu’n? Ni hindi siya naglabas ng datung para sa mga campaign materials niya?
“Umasa na lang siya sa mga ka-ticket niya, dahil nakinig siya sa mga sulsulero na hindi na niya kailangan pang magpakalat ng mga streamers dahil sikat na siya!
“Ganu’n nga ang ginawa niya, hindi na siya nagpagawa ng mga campaign materials, sumasama na lang siya sa mga kagrupo niya sa pag-iikot. E, sa laki ng bayang tinatakbuhan niya, puwede na ba ang basta ganu’n lang?” madiing kuwento ng aming impormante.
Kapag may nagpupunta sa kanyang bahay para humingi ng tulong na pam-pinansiyal ay ang kanyang mga kasamahan ang nagsasabi na sa partido na lang na kinaaaniban niya manghingi ang kanyang mga nasasakupan.
“Ayun, nu’ng dumating ang bilangan, nasa ilalim siya ng labanan. Akala yata kasi niya, e, idinadaan sa popularity ang labanan. Nakaka-tulong ‘yun, pero kailangan pa rin niyang maging visible, saka hindi siya dapat nagpakakuring!
“Kailangan niyang makipagsabayan para mas lumakas ang hatak niya sa mga botante. May pulitiko ba namang hindi naglabas ng bala para manalo siya?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo kung sino ang guwapong aktor na ito dahil maysa-Palos ang dating niya. Adios, mabalos, ganern!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.