Bulwagang gantimpala naghahanap ng donasyon para sa Sining ng teatro | Bandera

Bulwagang gantimpala naghahanap ng donasyon para sa Sining ng teatro

Ronnie Carrasco III - September 24, 2016 - 12:30 AM

PROBABLY the second oldest theatre group in the country is the 40 year-old Bulwagang Gantimpala (next to PETA) which has produced a good number of prominent actors na ating napapanood sa pelikula’t telebisyon, directors included.

Nag-iikot ngayon sa mga himpilan ng radyo ang actor-director na si Frannie Zamora para ipanawagan ang inihahanda nilang selebras-yon marking the four decades ng kanilang grupo. Bukod sa mga serye ng palabas scheduled on at least three consecutive Wednesdays, literal na “Full Force” ang mga miyembro ng grupo sa pangangalap din ng tulong para sa maysakit nilang miyembro, ang batikang stage actress na si Len Santos, via a baratillo.

Isa ang “Cristy Ferminute” sa mga programang inikutan ni direk Frannie also to drive his message across potential donors bilang suporta sa sining ng teatro. Naikuwento kasi ni direk ang hirap ng pagso-solicit ng sponsorship (even from a pharma firm he had served for nearly 20 years which flatly turned him down) para tustusan ang mga isinasadula ng BG.

Frannie also shared the plight of his theatre group in terms of its play run. Kung dati-rati raw ay nakakamahigit 50 palabas sila ng isang dula, now it’s down to a little over a dozen o baka wala pa. This explains kung bakit kulang pang pantawid-gutom ang kakarampot na tinatanggap ng bawat tao sa produksiyon, only their burning passion for theatre is what keeps them going.

Naisip namin, times have really changed. Tila bumaba na ang sense of appreciation ng publiko towards legitimate stage productions vis a vis mga patakbuhin, if not mga walang kawawaang panoorin. Kulang kundi man walang suportang nanggagaling sa pamahalaan to sustain the life of the theatre na ngayo’y sisinghap-singhap na at malapit nang mag-flat line.

But BG, for all its 40 years of existence, has thankfully bred a race of now-highly successful members na marunong lumingon sa dahilan ng kanilang tinatamasang tagumpay ngayon.

Isa na rito si Andrew “Mamu” de Real, may-ari ng comedy bar na The Library, himself a director of his own stage plays who has successfully crossed over commercial TV. Ipagagamit niya kasi ang kanyang bar nang libre sa ilang pagtatanghal ng mga kapwa niya produkto ng BG.

Malapit sa aming puso ang teatro. It was back in college (FEU College of Masscom) when love for theatre was like a bee that stung us. Bukod kasi sa mga sinasalihan naming dula (halos linggu-linggo yata ‘yon in our junior and senior years), nagkaroon pa rin kami ng manaka-nakang stage exposure even if we already graduated.

Totoong walang pera sa entablado kung paanong – aminin natin ito, Ervin Santiago – there isn’t much dough in showbiz writing. But it’s the passion—lots of it—kung bakit we tightly embrace this craft like a gecko on a tree branch at night.

Sa mga may malasakit at pagmamahal sa sining ng entablado, patuloy sana natin itong suportahan as we “unite and ignite in full force,” ayon nga sa sigaw ng grupo ni direk Frannie Zamora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending