Babae hinuli matapos mag-bomb joke sa isang mall sa Cavite
INARESTO ng mga pulis ang isang babae matapos mag-bomb joke habang pumapasok sa isang shopping mall sa Trece Martires City, Cavite, kahapon, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Supt. Egbert Tibayan, city police chief, na sinampahan na si Jennifer Delantar, 38, ng paglabag sa Presidential Decree No. 1727, o ang anti-bomb joke law.
Idinagdag ni Tibayan na pumasok si Delantar, na isang factory worker, sa mall ganap na alas-11:30 ng umaga noong Linggo.
“May bomba ‘yan,” sabi ni Delantar nang inspeksyunin ang kanyang bag ng isang security bag.
Ayon pa kay Tibayan, natakot ang ibang nasa mall matapos itong marinig.
Iniulat naman ng isang security guard ang insidente sa mga pulis na nakabase sa mall, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Delantar.
“As it turned out, there really was no bomb [inside her bag]. She said she was sorry for what she did,” dagdag ni Tibayan.
Nakakulong si Delantar sa Trece Martires.
Nahaharap si Delantar sa limang taong pagkakabilanggo at multang P40,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.