Horoscope, September 19, 2016 | Bandera

Horoscope, September 19, 2016

Madam Sophia - September 19, 2016 - 12:14 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Isa ka sa mga pinaka-masuwerteng nilalang, lalo kung iiwasang ang kalokohan at kaimoralan. Marami kasing reserbang kalokohan sa isip mo, kung susupilin ito lalo kang susuwertehin sa pinansyal. Sa pag-ibig kung “stick to one” tuloy-tuloy ang kaligayahan. Mapalad ang 1, 8, 27, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agla-Om” Yellow at gray ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Ituloy mo lang ang kasalukuyang diskarte. Kapag nahawi na ang mga problema, malaking income ang makakamit. Sa pag-ibig, giniginaw ang kasuyo, kailangan nya ng mainit na yakap. Mapalad ang 7, 18, 21, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 3, 6, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kedemel, Hagiel.” Pink at violet ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mag-ingat sa mga taong pandak na mataba. Siya ang mangungutang sa iyo ng wala ng bayaran. Sa pag-ibig, panatiliin ang pagtitiwala sa kasuyong slim lang ang pangangatawan. Mapalad ang 5, 14, 26, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Durate-Rebus.” Lilac at gold ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Pag-aahente ang iyong tadhana. Magbenta ng magbenta ng kahit na ano, mararamdaman mo mga isang taon mo lang magawa iyan, mayamang-mayaman ka na. Sa pag-ibig, ialok ang dalisay na pag-ibig sa isang Libra – siya ang magpapaligaya sa iyo. Mapalad ang 7, 14, 23, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag maging mapagkunwari, kung itatago mo ang iyong damdamin paano ka magiging maligaya. Ang dapat anuman ang iyong nadarama, ipakita mo agad. Sa pinansyal, minsan hindi masamang maging prangka upang kumita ng mala-king halaga. Mapalad ang 2, 7, 16, 31,33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yantra-Om.” White at purple ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag susuko, sapagkat sa kabila ng madilim na ulap laging sumisikat ang araw. Ganyan ang magiging buhay mo, kahit anumang problema ang dumating, itinalaga ka na ng tadhana upang sa dakong huli ikaw ay magtagumpay at lumigaya. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Om-Raga-Om-Kastha.” Beige at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Tama ang iniisip mong pagbibigay ng gift sa mga charitable institution. Gawin mo iyan ng palihim sa nalalapit na kapaskuhan, upang mas maraming biyaya at suwerte ang kusang dumating. Mapalad ang 5, 16, 25, 34, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Ituon ang iyong libido at enerhiyang pang-sexual sa mga bagay na pagkakaperahan, upang mas mabilis na yumaman. Itigil muna ang mga relasyon hindi naman dapat. Mapalad ang 3, 6, 27, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om.” Red at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Mag-coffee break muna! Wag masyadong isipin ang mga problema kusa din ‘yang lilipas. Habang nagka-kape, isang kaakit-akit na Taurus ang darating, agad niyang pupukawin ang natutulog mong pagnanasa. Mapalad ang 3, 7, 27, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Bodhana-Om.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Uso ang sakit, mas makabubuting bumili ng maraming prutas at sariwang gulay ito ang kaining lagi upang maiiwasan ang anumang uri ng karamdaman. Sa pag-ibig, mamayang gabi magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 6, 9, 18, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Yellow at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Investment na may kaugnayan sa lupa ang dapat upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa lugar na malapit sa nature, doon kayo mag lampungan. Mapalad ang 8, 23, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kesar-Khangaya-Kapor.” Blue at gold ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa fairy tales na ka-pattern ang buhay mo. Sa pagtulad sa mga “heroes” sa nasabing mga fairy tales story, sa bandang huli, ganito ang magiging ending ng iyong love life: “…and the prince and the princess live happily ever after.” Mapalad ang 1, 4, 28, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Orange at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Magtanim ng gulay at mga halaman sa likod bahay. Nakapaglibang ka na, gaganda pa ang pakiramdaman mo. Sa pag-ibig, himukin ang kasuyo na sumali sa mga organisasyong nagpe-preserba ng kahalihalinang kalikasan. Mapalad ang 7, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yophiel-Om”. Green at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending