1M signature para kay Macoy sa ‘Libingan’ | Bandera

1M signature para kay Macoy sa ‘Libingan’

Bella Cariaso - September 18, 2016 - 12:10 AM

INILUNSAD kamakailan ang isang online petition at house-to-house na kampanya na naglalayong makakalap ng isang milyong pirma para suportahan ang pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Inumpisahan ang petisyon sa www.change.org noong Setyembre 6, kung saan kabilang ang mga estudyante at mga batang propesyunal sa mga nanguna sa kampanya.

Itinaon ang online petition sa bisperas ng ikalawang pagdinig ng Korte Suprema kaugnay naman ng ilang petisyon na kumukontra sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Niliwanag ng mga nagsusulong sa petisyon na hindi nila gustong ibahin ang pagkakakilala ng tao kay Marcos o purihin siya sa kanyang mga nagawa.

Idinagdag pa ng petisyon na iginagalang nito ang personal na pananaw ng bawat Pinoy kay Marcos.

Tama ang sinasabi ng petisyon na sa kabila ng mga iniisyu laban kay Marcos, hindi naman maitatanggi ang katotohanan na si Marcos ay dating pangulo ng Pilipinas, dating secretary ng defense, at sundalo kayat pasok siya sa kuwalipikasyon na itinatakda ng presidential decree at alinsunod sa AFP Regulation No. G161-137 kaugnay ng mga nararapat na mailibing sa Libingan ng mga Bayani.

Kabilang sa mga sumuporta sa petisyon sa change.org ay isang Aida Borromeo, ng Quezon City, na nagsabi na napakatagal na dapat ginawa ang pagpapalibing kay Marcos.

Ayon naman sa Pinoy worker sa Doha, Qatar na si Almi Cadlum, naniniwala siya sa kanyang lolo at iba pang kamag-anak na nakasaksi sa pamamahala ni dating pangulong Marcos.

Sa Hawaii, binatikos naman ni Noel Calixto, na dating aide ni Marcos, ang pagpapahinto ng Korte Suprema sa nakatakda sanang paglilibing kay Marcos sa Libingan ngayong araw.

Bagamat mas maraming maingay na tumututol, hindi naman natin maikakaila na karamihan sa taumbayan ay gustong nang maipalibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani kung ikukumpara ito sa kakaunting bilang na hindi payag.

Sa ngayon, patuloy ang pangangalap ng lagda sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at inaasahang makakakalap sila ng nasabing target na isang milyong pirma bago ang nakatakdang pagdinig ng Korte Suprema.

Ang paglulunsad ng signature campaign para sa paglilibing sa labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay isang magandang aksiyon para maipakita na tama at napapanahon ang panawagang ilibing na si Marcos, at itigil na ang hidwaan sa nasabing isyu.

Hindi na rin naman magbabago ang pananaw ng mga dilawan at mga makakaliwa, na kilalang maingay sa pagtutol na mailibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bilang dating pangulo at sundalo, nararapat lamang na ilibing na si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending