Kulang na lang ay ibulsa ang kanyang BF sa sobrang pagbabantay
Wala nang itinatago pa si Maja Salvador.
Kahit saan sila makita ngayon ni Gerald Anderson ay parang ipinagsisigawan na nila sa buong mundo na nagmamahalan sila.
Wala namang masama sa ganu’n, kung ‘yun nga ang kanilang nararamdaman ay ano naman ang magagawa ng kahit sino, mas maganda na ang kanilang ginagawa kesa naman sa pagdedenay nang pagdedenay.
Nu’ng minsang makipag-basketball sa kanyang mga kaibigan si Gerald na napakagaling maglaro ay nandu’n din si Maja.
Hindi naman siya umaaktong alalay ng guwapong aktor, nandu’n lang siya para bumantay, ano rin ang magagawa natin kung ayaw nilang mawalay ang isa’t isa sa kanilang paningin?“Wala lang, nandu’n lang si Maja habang nagba-basketball si Gerald.
Minsan, kinukunan niya ng pictures ang boyfriend niya, minsan naman, basta nakatingin lang siya.
“Hindi naman siya ‘yung sobrang PDA, pero alam mong in-love na in-love siya dahil kung makatingin siya kay Gerald, e, parang gusto na lang niyang ibulsa ang boyfriend niya!” kuwento ng aming source.
‘Yun ang hindi nagawa nu’n nina Gerald at Kim Chiu, palagi silang patago-tago, para silang mga paniki sa paglilihim ng kanilang relasyon, samantalang pareho naman silang libre at walang pananagutan.
“Du’n siguro masyadong nasabik si Gerald, kaya ngayon, e, tumotodo siya kay Maja.
Natural lang namang gusto ring ipakita ng lalaki ang pagmamahal niya sa girlfriend niya, di ba?
Ayon naman sa isang source ay umo-OA na kung minsan si Maja sa pagpaparamdam ng kanyang pagmamahal kay Gerald.
Parang meron siyang gustong ipamukha kay Kim Chiu na dating kaibigan niya, kaya pati sa rehearsal nila sa isang variety show ay ipinakikita niya sa young actress na suot niya ang t-shirt ni Gerald, hindi pa rin bumabalik sa dati ang kanilang pagkakaibigan ni Kim dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Gerald.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.