Inah de Belen pinaiyak ni Janice sa presscon ng ‘Oh My Mama!’
SINGLE but happy ang drama ng anak ni Janice de Belen na si Inah de Belen, ang bibida sa bagong afternoon drama series ng GMA 7 na Oh, My Mama, ang TV remake ng classic movie noon ni Maricel Soriano.
Nakachika namin ang 22-anyos na dalaga pagkatapos ng grand presscon ng nasabing serye kamakalawa ng gabi at naikuwento nga niya na wala siyang boyfriend ngayon at hangga’t maaari ay ayaw niya munang pumasok sa isang seryosong relasyon.
Sey ni Inah, “Yes, single na single po ako ngayon. And I plan not to enter into a serious relationship muna ngayong meron na akong launching series dito sa GMA. Tsaka iniisip ko kasi, baka sa halip na makatulong baka maging distraction pa sa trabaho kaya okay lang na wala muna.”
Nagka-boyfriend na noon ang dalaga pero non-showbiz, “Now, gusto kong mag-focus muna sa Oh My Mama dahil napaka-demanding ng role ko rito. And I want to make sure na walang magiging problema.”
Samantala, hindi napigilan ni Inah ang maiyak sa napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga bossing ng Kapuso pati na rin ng kanyang mga katrabaho sa Oh My Mama, “Sobrang nakaka-overwhelm, sobrang alam na alam ko po na aalagaan ako ng GMA at sobra akong excited.”
Aminado ang bagong Kapuso actress na napakatindi ng pressure na nararamdaman niya ngayon dahil alam niyang ikukumpara siya ng mga manonood sa mga magulang niyang sina Janice at Johh Estrada.
“Dalawa pa sila, di ba? So, sobrang laking pressure talaga. Ang galing nilang dalawa, sobrang galing.
“Gusto kong i-prove sa lahat and sa kanila na kaya ko and, hopefully, magiging proud sila sa akin,” chika pa ng dalaga na gaganap sa serye bilang si Maricel Reyes, isang 17-year-old teenager na nangungulila sa pagmamahal ng kanyang ama at magsisilbing “nanay” ng mga batang ginagamit ng isang sindikato para mamalimos.
Mas lalo pang naging emosyonal si Inah nang mapanood ang video message ni Janice, “Actually, pagkakita ko pa lang po sa picture niya, naiyak na ako. Just seeing my mom and knowing she’s happy for me, sobrang saya ko.
“Just seeing that, sobrang nakakaiyak. Actually kanina, iyak na iyak talaga ako,” aniya pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.