Ma’Rosa ni Jaclyn ilalaban ng Pinas sa Oscars 2017
NGANGA man ang director na si Gil Portes na mapili ng Film Academy of the Philippines ang bago niyang obra na “Hermano Puli” para maging official entry ng Pilipinas sa 2017 Academy Awards (Oscars) ay masaya pa rin siya dahil sa magagandang review na nababasa niya about their film.
Ang pelikula ni Brilliante Mendoza na “Ma’ Rosa” starring Jaclyn Jose ang isa-submit ng FAP sa Oscars 2017 para sa kategoryang Best Foreign Language Film.
Sapat na kay direk Gil Portes ‘yung natapos niya ang movie na problemado noong nagsimula pero ngayon nga ay positibo ang reaction ng tao. Ang “Hermano Puli” ay mapapanood na as mga sinehan sa Sept. 21 at pinagbibidahan ni Aljur Abrenica. Ito rin ang naging closing film sa 2016 Cinemalaya Independent Film Festival. Ipinalabas din ang clips ng pelikula sa naganap nitong school tours.
Inilibot ang “The Hermano Puli Bayani Ba ‘To?” sa Baguio, Cabanatuan, Baliwag, Malolos, Metro Manila, Laguna, Quezon, Batangas, Naga, Cebu, Iloilo, Bacolod at Davao. Siyempre pa, phenomenal ang response ng estudyante at mag-aaral.
Isang eksena na kaabang-abang sa pelikula na siguradong magmamarka sa manonood ay ang pagpatay sa karakter ni Aljur bilang si Hermano Puli dahil bukod sa napaka-dramatic nito ay sinamahan pa ng chanting ng isang Tagalog pasyon na makatindig-balahibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.