Digong sa Indonesia: Bahala na kayo kay Mary Jane
MALING tao ang pinakikiusapan ng pamilya ni Mary Jane Veloso na iapela na ito ay iligtas sa parusang kamatayan.
Si Veloso ay nahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong 2010 at nahatulan ng kamatayan.
Wala sa pagkatao ni Pangulong Digong ang makiusap para sa taong nahulihan ng droga sa ibang bansa.
Kung dito sa Pilipinas, pinapapatay nga ni Digong ang mga taong nagtutulak ng droga, bakit naman niya ipakikiusap na salbahin si Mary Jane Veloso na nahuling nagpuslit ng 2.6 kilos ng heroin sa Indonesia?
Alam ba ninyo ilang tao ang puwedeng maging addict sa 2.6 kilos na heroin? Libo-libo!
Sinabi ni Digong bago pa siya nakipagkita kay Indonesian President Joko Widodo na hihingin niya na gawin na lang habambuhay ang pagkabilanggo kay Mary Jane.
Pero nang sabihin sa kanya ni Widodo na maraming tao ang nasira sana ang buhay kung hindi nasakote si Mary Jane, nagbago ang isip ni Digong.
Kaya’t sinabi na lang ni Digong kay Widodo, “Follow your own laws. I will not interfere.”
Mabigat at makahulugan ang sinabi na yun ni Digong: “Sundin ninyo ang inyong batas. Hindi ako makikialam.”
qqq
Kung nag-insista si Digong na pakawalan o bawasan ang sentensiya ni Mary Jane, mawawalan sana siya ng kredibilidad.
Patay rito, patay roon ang ginagawa ng kapulisan at vigilantes sa mga nagtutulak at nagbebenta ng shabu, pero pagdating kay Veloso ay makikiusap siya?
Parang hindi tama.
Pagpalagay na natin na nilagyan ng ibang tao ng heroin ang maleta ni Mary Jane na hindi niya alam, abaý pasensiya na at hindi niya tiningnan.
Mabigat ang 2.5 kilos na heroin, at bakit hindi siya nagtaka?
Tiyak alam niya ang laman ng kanyang maleta.
Ang pagpatay kay Aurora Moynihan, 45, kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez, isang loud and clear message sa mga taong nagsusuplay ng ilegal na droga sa mga artista na malapit na ang araw nila.
Nakalagay sa placard na pinagsulatan ng mensahe: “Pusher ng mga celebrities. Kasunod na kayo.”
Abaý dapat huminto o sumurender ang mga celebrities na nagtutulak ng droga sa kapwa nila mga tanyag na personalidad. Dalawa sa mga ito ay kilalang tv host/ actor at ang isa naman ay businessman and event organizer.
Sanaý magbago ang isip ni Pangulong Digong na palayasin ang mga sundalong Kano sa Mindanao dahil sila raw ay baka makidnap ng mga terorista.
Mahirap pakawalan ng gobyerno ang mga Amerikanong advisers sa Mindanao dahil silaý mga miyembro ng US Army Special Forces at US Navy Seals, pawang mga eksperto sa guerrilla warfare.
Pinakikinabangan ng ating mga sundalo ang intelligence na binibigay ng mga elite US soldiers sa pamamagitan ng drones, na pinatatakbo ng remote control, at satellite pictures ng mga lugar ng ka-laban.
Silaý mga beterano na nanggaling sa Iraq at Afghanistan. Tinuturuan nila ang mga sundalong Pinoy ng pakikipaglaban sa larangan ng guerrilla warfare.
Sa akala ba ninyo ay napatay ng tropang Pinoy si Abu Sabaya, isa sa mga lider ng Abu Sayyaf na nag-raid ng Dos Palmas sa Palawan at kinidnap ang mga guests doon, kung walang tinulong ang mga sundalong Kano?
Namatayan ng marami ang mga sundalong Pinoy sa pakikipaglaban sa mga Abu Sayyaf kamakailan dahil hindi nila sinunod ang advice ng mga Kano.
Hindi nakukuha sa kayabangan ang pakikipagtunggali sa mga Abu Sayyaf na eksperto sa guerrilla warfare dahil silaý trained sa Afghanistan at Iraq o kayaý sinanay ng mga Arab terrorists.
Ang mga masyadong kumpiyansa sa sarili sa barilan ay madaling tinatamaan ng bala. Dapat ay hinay-hinay lang at sundin ang mga itinuro ng mga ekspertong Kano.
Kaya’t, please lang Mano Digong, huwag kang padalos-dalos sa
iyong desisyon na palayasin ang mga American military advisers sa Mindanao dahil kailangan natin sila.
Sa iyong “kinakatakutan” na baka silaý makidnap, abaý napakatanga naman nila kung makidnap sila ng Abu Sayyaf!
Ang mga Kanong ito ay wise to the ways of the enemy at imposibleng silang makidnap o mahuli ng Abu Sayyaf.
Alam ko kung bakit galit si Digong sa America.
Noong siyaý mayor pa ng Davao City, inaresto ng mga pulis ang isang American citizen na nahulihan nila ng bomba sa isang hotel sa lungsod.
Dumating ang mga US federal agents at nakiusap na imbestigahin nila ang Kano na may maraming bomba sa hotel kung saan siya nahuli.
Pinagbigyan naman sila ng kapulisan sa Davao City.
Kinabukasan, nawala na parang bula ang mga US federal agents kasama ang American citizen na nahulihan ng mga bomba.
Clearly, it was a slap on Philippine sovereignty.
Ngayon na nalaman ninyo ang dahilan kung bakit galit si Digong sa America, masisisi mo ba siya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.