2 pasahero, 4 na crew nasaktan matapos makaranas ang isang eroplano ng PAL ng turbulence
Kabilang sa mga bahagyang nasaktan ay ang Amerikanong singer na si Anika Ellis-Mungin, isang miyembro ng KC and the Sunshine Band, na nasa bansa para sa nakatakdang concert sa Miyerkules.
Sinabi ni Philippine Airlines (PAL) spokesperson Cielo Villaluna na nakaranas ng turbulence ang PAL flight PR 1103, na nanggaling ng Los Angeles, na may 248 pasahero, ganap na alas-6:21 ng umaga, habang papalapit sa NAIA.
Idinagdag ni Villaluna na naging dahilan ito para masaktan ang dalawang pasahero at apat na crew, na binigyan ng first aid sa eroplano at pagkalabag sa NAIA terminal 1 ganap na alas-6:40 ng umaga.
Base sa ulat ni NAIA terminal 1 medical officer-on-duty Dr. Lotis Venus Love Casiple, malakas ang pagkakauntog sa kisame ang dalawa sa cabin crew, isang 29-anyos na babae at 34-anyos na lalaki at pinayuhan na magpasuri pa sa ospital.
Nasaktan naman ang braso ng dalawa pang stewardesses.
Inireklamo ni Ellis-Mungin ang pananakit ng ulo at may bahagyang bukol.
Nagtamo naman ng sugat ang isa pang pasahero, isang 43-anyos na lalaki, sa kanyang kanang hita.
Click here to Reply, Reply to all, or Forward |
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.