Kris nag-emote nang todo para talbugan sina Lloydie at Charo | Bandera

Kris nag-emote nang todo para talbugan sina Lloydie at Charo

Ambet Nabus - September 14, 2016 - 12:20 AM

kris aquino

SA dami ng mga bonggang news sa mundo ng showbiz, what with the numerous international recognitions and awards na natatanggap ng mga Filipino artists, aba’y hindi naman puwedeng hindi umeksena si Kris Aquino.

Masyado na siyang nadedehado sa mga headlines sa tabloid kaya kailangang may mga bagong kadramahan na naman siyang gawin para makipag-unahan sa deadline! Ha-hahaha!

Matagal nang usap-usapan na tuluyan na siyang aalis ng ABS-CBN at lilipat na sa GMA 7 matapos nga siyang pumirma ng management contract sa APT Entertainment ni Mr. Tony Tuviera, na markado bilang Kapuso.

Wala namang masama sa naging desisyon ni Kris. In fact, alam nating bonggang addition sa GMA ang tulad niya, not to mention the fact na sa GMA 7 naman talaga nagsimula ang kanyang hosting career.

Ang nakakatawa lang kasi, talagang sinabayan niya ang mga positive and heartwarming news sa local showbiz gaya ng pagkakapanalo ng pelikulang “Ang Babaeng Humayo” bilang Best Film sa 2016 Venice Film Festival na idinirek ni Lav Diaz, pati na rin ang magagandang reviews para sa akting na ipinakita ni Madam Charo Santos sa movie. Posible rin daw na ito ang maging entry ng Pilipinas para sa OSCARS.

Ang nangyari kasi, sandali lang pinag-usapan dito sa atin ang winning moment nina direk Lav at Madam Charo, pati na rin ang co-star niyang si John Lloyd Cruz, dahil natabunan nga ng mga emote ni Kris Aquino.

Yes, si Kris Aquino na paulit-ulit nang nagpaalam sa showbiz, bumalik, nag-aplogize at nagpaliwanag (nagamit na yata halos lahat ng alibi, mula sa kanyang lovelife, health, safety and security at kung anek-anek pa) sa publiko. Ang tanong, may naniniwala pa ba sa kanya?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending