DOH kinumpirma ang 2 iba pang kaso ng Zika sa Iloilo City | Bandera

DOH kinumpirma ang 2 iba pang kaso ng Zika sa Iloilo City

- September 13, 2016 - 03:13 PM

zika-0203

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) ang dalawa pang kaso ng Zika virus sa Iloilo City.

Sinabi ng DOH na dalawa sa kasama sa bahay ng 45-anyos na babae na naunang tinamaan ng Zika  sa  Barangay Benedicto, Jaro District,  Iloilo City, ang nahawaan ng virus.

Sa isang pahayag ng DOH central office, sinabi nito na kinumpirma ang dalawang bagong kaso ng DOH Epidemiology Bureau.

Nangangahulugan ito na ang dalawa ang pampito at pangwalo na mga kaso ng Zika sa bansa, kung saan ang ikalawa at ikatlong kaso ay “locally-transmitted.”

Tumanggi naman ang DOH sa Western Visayas na magbigay pa ng karagdagang impormasyon kaugnay ng dalawang bagong kaso, bukod sa pahayag ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell-Ubial

Base sa resulta ng pagsusuri ng  Research Institute for Tropical Medicine sa Maynila na nahawa ng Zika virus ang dalawang miyembro ng pamilya.

Kagaya ng dengue, nakukuha rin ang  Zika sa kagat ng lamok na dulot ng Aedes aegypti mosquito.

Nauna nang sinabi ng DOH na nagdudulot ang Zika ng seryosong epekto sa mga nagbubuntis na nanay.

“The two cases exhibited mild skin rash not accompanied by other signs and symptoms unlike the first confirmed case who presented with skin rash, joint pains and red eyes,” sabi ng DOH sa isang pahayag.

Sinabi ng DOH na nakarekober ang tatlong residente ng Iloilo na nagkaroon ng “mild” Zika virus at hindi na kinailangang magpa-ospital.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“The infection was confined only within the affected household,” dagdag ng DOH.

Sinabi ng DOH na 88 pamilya na malapit sa bahay ng tatlong kinapitan ng virus ang pinuntahan ng DOH.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending