Hipag at pamangkin ni Alcala huli sa drug bust sa Tayabas City | Bandera

Hipag at pamangkin ni Alcala huli sa drug bust sa Tayabas City

- September 12, 2016 - 02:56 PM

alcala

ARESTADO ang hipag at pamangking babae ni dating Agriculture secretary Proceso Alcala matapos ang isinagawang drug bust operation sa Tayabas City, Quezon, kamakalawa ng gabi, ayon sa pulisya.

Kinilala ni Senior Supt. Antonio Yarra, Quezon police director, ang mga nahuli na sina Maria Fe Abutin Alcala at kanyang anak na babae na si Toni Anne, na kapwa kabilang sa drug watch list ng Quezon police at kinukonsiderang “high value targets.”

Idinagdag ni Yarra na naaresto ang mag-inang Alcala ng mga undercover na pulis at mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos ang isinagawang buy-bust operation sa kanilang bahay sa Leveriza Subdvision sa Barangay Isabang, Tayabas City, ganap na alas-9:50 ng gabi.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 24 na sachet ng shabu na tumitimbang ng 115 gramo at nagkakahalaga ng P212,750, at mga drug paraphernalia

Sinabi ni Yarra na si Maria Fe ay misis ni Cerilo Alcala, nakababatang kapatid ni Alcala, na nagsilbing sa ilalim ni dating pangulong Beninog “Noynoy” Aquino at Quezon Rep. Vicente Alcala.

Kapwa sumuko sina Cerilo at anak na lalaki na si Sajid sa mga pulis noong Agosto 14. Kapwa nasa unahang listahan ang dalawa sa drug watch list ng Lucena City police.

“I advised them to surrender. They can’t hide forever,” sabi ni Yarra kaugnay ng iba pang pinaghahanap na mga Alcala na sangkot sa droga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending