Liza Soberano may bonggang proyekto sa ibang bansa Bandera

Liza Soberano may bonggang proyekto sa ibang bansa

Reggee Bonoan |September 12,2016
share this

Liza Soberano may bonggang proyekto sa ibang bansa

Reggee Bonoan September 12, 2016 - 12:20 AM

liza soberano

SAMANTALA, inalam din namin kung humihingi ng payo si Liza sa kanya pagdating sa lovelife, “Hindi kailangan, matalino ‘yung bata. Pero lagi ko siyang pinapaalalahanan sa mga contract, ‘yung contract namin sa endorsements kung ano ang dapat iasal sa public,” kuwento ni Ogie.

Kasalukuyang nakabakasyon ngayon si Liza kasama ang pamilya nito sa New York, “Oo kasi pinapunta niya ‘yung grandma niya sa mom’s side at kapatid niya sa New York, tin-treat niya at kasama si Quen at mommy niya rin,” pahayag pa ng manager ng dalaga.

Sa madaling salita, ipinakilala na ni Liza ang pamilya niya sa magulang ni Enrique. At tungkol naman sa balitang may international offer si Liza, “Naku, mahadera na naman ako, basta may pinu-push ang Star Magic na makilala ang artista ng Star Magic o ABS-CBN sa ibang bansa. So hindi ko alam kung si Liza lang, basta alam ko, kasama siya,” sabi ni Ogie.

May offer ba sa Hollywood ang dalaga, “Why not, siyempre ano ‘yun medalya ng Pilipino ‘yun saka dollars ‘yun,” diretsong sagot ni Ogie. “Basta gusto kasi ng ABS na ma-penetrate rin ng mga artista nila ang ibang bansa.”

At pagbalik daw ng LizQuen ay doon pa lang ihahatag sa kanila ang next movie project nila at ang teleserye naman ay sa susunod na taon na ulit.

Natanong din ang ma-nager kung papayagan pa ba niyang sumali sa beauty contest si Liza, “Hindi pa niya nararamdaman na gusto niya kasi alam ni Liza na sobrang kailangan niyang mag-concentrate kung talagang sasali siya. Kakarerin niya ang Binibini.

“Ako naman hindi ko siya pinu-push dito (showbiz), pero dito siya malakas so, dito tayo mag-concentrate. Kasi kung diyan (beauty contest) lahat ng panahon mo ibibigay mo diyan, e, paano kung nasilat siya, e, di mas nakakahiya.

“Kaya dito ka na, sa star ka, siyempre may kita rin ako dito, ‘no? Ano ba praktikal lang tayo. Ha-hahaha!” katwiran ni Ogie.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending