Mga artistang gumagamit ng ilegal na droga huli sa CCTV
BY far, maituturing na on the right track ang kinalalagyan ngayon ng PDEA as far as cracking down on celebrity-drug users is concerned.
Sinimulan ito ng ahensiya sa anunsiyong meron silang pinanghahawakang drug watch list that even before the names of celebrities were named ay kusa nang sumailalim sa pagsusuri ang karamihan sa kanila.
If only for this initiative, hinahangaan namin ang mga artistang ‘yon bago pa man sila ibilad to public censure if proven to be involved in drugs.
At ang latest nga, to further give credence to the list ay ang CCTV footage na kuha sa mismong kuta ng mga druggie sa Mandaluyong City na hawak na rin ng PDEA.
Time-coded, the recorded images of celebrities coming in and out of the place are a solid, conclusive proof to back up the agency probe.
Kung ganito katagumpay ang itinatakbo ng operasyon ng PDEA, hindi na kailangan pa ng ayuda mula sa mga mismong taga-showbiz privy to this illegal drug practice.
Isa kasing kasama sa hanapbuhay ang inaawitan tungkol sa pagbabahagi ng kanyang nalalaman tungkol sa mga artistang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
While that person has a mouthful to share, tahasan niyang sinabi na hindi niya maaaring pangalanan ang mga artistang ‘yon kahit pa positibong gumagamit ang mga ito.
Simple lang ang ibinigay niyang katwiran: may concerned agency para gawin ang pagtukoy sa mga celebrity-drug users.
While at one point ay nasaksihan pa niya mismo ang aktuwal na paggamit ng ilan sa mga kaibigan niyang artista (call it ‘privilege’ based on trust), hindi niya responsibilidad na ipain sila sa mga awtoridad at ilagay sa peligro ang kanyang buhay.
The least aniya na maaari niyang gawin ay kumumbinsi ng isang dating drug user-friend na ibahagi ang kanyang kuwento on national radio or TV para kapulutan ng aral ang mga karanasan nito sa kuko ng droga.
Hindi ang ipahamak ang mga ito on the pretext na nagmamalasakit siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.