Solenn pinatunayang walang konek sa drugs
MALA-CONNECT the dots ang ginagawang pagtukoy among celebrities believed to be involved in drugs.
Kamakailan, dawit ang socialite friends na sina Tim Yap at Solenn Heussaff, however, flatly ay mariing itinanggi ni Tim ang akusasyon despite ownership of at least five high-end bars kung saan pinaniniwalaang laganap ang paggamit ng party drugs (ecstasy) among their patrons.
For whatever it’s worth ay gusto na lang naming paniwalaan si Tim, but it doesn’t obliterate the popular belief na “where there’s smoke, there’s fire.”
Samantala, maganda ang pagkaka-timing ni Solenn to disprove most people wrong. Known for being a health buff, iniulat kamakailan ng isang news program ng GMA ang ginagawa niyang strenuous workout to keep her body in shape. Kasabay ‘yon ng launch ng kanyang fitness book.
Kung pagmamasdan nga naman si Solenn, mahirap paniwalaang nagumon siya sa bisyo ng pagdodroga.
‘Yun ba ang nagda-drugs, samantalang napaka-health-conscious niya? Hindi ba’t ang karaniwang drug user, bukod sa mukhang nanunuyot, ni paliligo ay hindi na kayang magawa?
But Solenn looks fresh and sweet-smelling, idagdag pa ang kanyang positibong disposisyon sa buhay at walang humpay na pagtatrabaho. ‘Yun ba ang addictus benedictus?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.