Susan, Cesar literal na nag-‘trip to Jerusalem’ sa Israel | Bandera

Susan, Cesar literal na nag-‘trip to Jerusalem’ sa Israel

Ervin Santiago - September 07, 2016 - 12:25 AM

cesar apolinario at susan enriquez

SA nakalipas na limang taon, halos 300 katanungan na ang nabigyang kasugatan ng programang I Juander.

Kaya para sa kanilang espesyal na anibersaryo – pupuntahan nina Susan Enriquez at Cesar Apolinario ang isang lugar na kadalasa’y nasa bucket list ng maraming Juan. Ito ang tinaguriang Lupang Pangako: ang Israel.

Literal ngang nag-trip to Jerusalem sina Susan at Cesar upang bisitahin ang Via Dolorasa na nilakaran daw mismo ni Hesus noong pinasan niya ang krus. Pinasok din ng I Juander team ang sikretong mga lagusan na nasa ilalim ng lupa—na bihira lang daw mapuntahan ng mga turista.

Nabigyan din ang programa ng pagkakataon na pasukin ang mismong pinaglibingan ni Hesus. Hindi na rin pinalagpas nina Susan at Cesar ang pagkakataong mag-swimming sa isa sa mga itinuturing na Seven Natural Wonders of the World: ang Dead Sea. Anu-ano nga ba ang mga kuwentong nasusulat sa Bibliya tungkol dito? At totoo kayang lumulutang sa Dead Sea maski ang hindi marunong lumangoy?

Huwag palampasin ang unang bahagi ng I Juander 5th anniversary special ngayong Miyerkules, 10:15 p.m., sa GMA News TV.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending