PORMAL nang idineklara ni Poe Francis si Mother Teresa bilang Santo matapos ang isinagawang canonization mass sa St. Peter’s square sa Vatican na dinaluhan ng 100,000 pilgrims.
“For the honor of the Blessed Trinity… we declare and define Blessed Teresa of Calcutta (Kolkata) to be a Saint and we enroll her among the Saints, decreeing that she is to be venerated as such by the whole Church,” sabi ni Pope Francis.
Isinagawa ang seremonya isang araw bago ang ika-19 na anibersaryo ng pagkamatay ni Teresa sa Kolkata, ang Indian city, kung saan halos apat na dekada siyang nagsilbi sa mga mahihirap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.