8 aftershock sa Agusan quake | Bandera

8 aftershock sa Agusan quake

Leifbilly Begas - September 04, 2016 - 07:22 PM

     agusan del sur
Nasundan ng walong aftershock ang magnitude 6 na lindol sa Agusan del Sur kahapon ng umaga.      Binago rin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang nauna nitong ulat at itinaas sa magnitude 6 ang nauna nitong pagtataya sa lindol na ang sentro ay nasa bayan ng Talacogon.      Naramdaman ang magnitude 3.1 aftershock alas-10:49 ng umaga.      Nasundan ito ng magnitude 3.8 alas-3:15 ng hapon, magnitude 3.3 alas-3:29 ng hapon, magnitude 4.6 alas-3:54 ng hapon.       Magnitude 3.3 alas-4:04 ng hapon, magnitude 2.8 alas-4:37 ng hapon, magnitude 2.9 alas-4:54 ng hapon at magnitude 3.1 alas-5:04 ng hapon.      Ayon sa Phivolcs alas-10:38 ng maramdaman ang lindol na may lakas na magnitude 6.0. Ang sentro nito ay 16 kilometro sa silangan ng Talacogon at may lalim na walong kilometro.      Nagdulot ito ng Intensity VI paggalaw sa Talacogon, Rosario at La Paz sa Agusan del Sur.      Intensity V sa Prosperidad, Intensity IV sa Butuan City, Tagum City at Hinaguan, Surigao del Sur.      Intensity III sa Gingoog, Misamis Oriental; Bislig City; Davao City; Balingaon at Balingasag, sa Misamis Oriental. Intensity II sa Cagayan de Oro City at Intensity I sa Kidapawan City.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending