Mocha Uson tinira si Leni Robredo, wala raw ginawa kundi mamasyal | Bandera

Mocha Uson tinira si Leni Robredo, wala raw ginawa kundi mamasyal

Alex Brosas - September 05, 2016 - 12:10 AM

mocha uson at leni robredo

PUMUTAK na naman si Mocha Uson. This time, ang Vice President na si Leni Robredo ang subject of her ire.

Sa isang rant sa social media, pinuna ni Mocha ang statement ni VP Leni about sa kakulangan ng rehabilitation. Nagmaganda si Mocha, sinabing dapat si VP Leni ang tumulong at hindi ‘yong pasyal lang ito nang pasyal sa ibang bansa. Parang naghahanap daw ito ng atensyon sa international media.

Basag si Mocha sa comments sa isang popular website. Lait ang inabot niya. “Daming sinasabi nito si Uson. Di niya alam na mga taong katulad niya nagpapasama sa image ng presidente.”

“Mocha Uson, before you even dare ask the VP kung ano nagawa niya, mag research ka din, para di ka rin nagmumukhang tanga. For someone who’s only claim to fame is ang pagiging malaswa, ang lakas ng loob ng magtanong sa isang taong napakaraming nagawa nung Congresswoman siya. Sa tingin mo sinong famewhore sa inyong dalawa?”

“Nakakahiya naman yung sinasabi niyong papasyal pasyal hard at work sa pag streamline at pagcut ng red tape para makakuha ang mga Pilipino ng pabahay. Ang galing ngang pumuna pero pag may dapat namang icriticize sa kasalukuyang administrasyon tikom ang bibig.

“For supporters of both Duterte, LP at kung sino mang politiko, sana iangat natin ang antas ng pagiging kritiko. Kaya nagkakaganito ang bansa eh.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending