UAAP Season 79 basketball aarangkada ngayon
Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
8 a.m. UP vs. Adamson (women’s)
10 a.m. UST vs. Ateneo (women’s)
2 p.m. UP vs. Adamson (men’s)
4 p.m. UST vs. Ateneo (men’s)
MAKIKILATIS ang kalidad ng unang apat na koponan sa pagsambulat ngayong hapon ng pinakaaabangang giyera ng mga pangunahing unibersidad sa bansa sa pagsikd ng UAAP Season 79 basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Agad na magsasalpukan ang University of the Philippines at Adamson University ganap na alas-2 ng hapon isang araw matapos ang makulay at hiwalay na opening rites na idinaos sa Plaza Mayor sa loob ng unibersidad ng season host University of Santo Tomas kahapon.
Maghaharap naman sa tampok na laban ang UST at Ateneo de Manila University ganap na alas-4 ng hapon.
Kapwa nasa ibabang puwesto nitong nakarang taon ang magsasagupa sa unang laro na UP at Adamson kaya naman kapwa nito hangad ang unang panalo para maiangat ang kanilang kampanya na kapwa pangunahing misyon ng kani-kanilang mga bagong coaches.
“We want to be mentally tough,” sabi ng bagong UP head coach na si Bo Perasol, na ika-6 ng koponan sa loob din ng nakalipas na anim na taon. “Hindi lamang kami kailangan na mahusay sa loob ng court pero dapat ay kaya din namin bitbitin ang situwasyon kada laro.”
Magbabalik naman ang dating premyadong coach ng De La Salle University na si Franz Pumaren bilang bagong coach ng Adamson Falcons. Tangka ni Pumaren na maingat ang koponan mula sa madalas nitong kalagyan na ikahuling puwesto.
“Our target is to suprise other teams in our every games,” sabi ni Pumaren.
Ipaparada ng Growling Tigers ang bago nitong coach na si Rodil Zablan kapalit ng inalis na si Segundo Dela Cruz sa pagnanais na tabunan ng limang taong pagkauhaw sa korona.
Aminado si Zablan na mabigat ang atensiyon na iuwi muli ang titulo na kinakaharap ngayon ng Tigers lalo pa’t mataas ang ekspektasyon sa kanila bilang host sa taong ito.
Tatlong buwan naghanda ang koponan matapos ang naging problema sa nakalipas na preseason na naging dahilan ng kanilang pagpapalit ng coach.
Inaasahang mamumuno sa Tigers ang mga beteranong sina Louie Vigil at Marvin Lee at nagbabalik na sina Reggie Basibas at Renzo Subido.
Hindi na makakasama ng Blue Eagles sina Kiefer Ravena at Von Pessumal bagaman inaasahang magpapakita ng matinding kampanya ang koponan sa ilalim ni national coach Tab Baldwin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.