Foton Pilipinas winalis ang Kwai Tsing Hong Kong sa AVC Asian Women’s Club Championships | Bandera

Foton Pilipinas winalis ang Kwai Tsing Hong Kong sa AVC Asian Women’s Club Championships

Angelito Oredo - September 04, 2016 - 12:00 PM

MAGAAN na binigo ng Foton Pilipinas ang nakatapat na Kwai Tsing ng Hong Kong sa paghugot nito ng straight sets na panalo, 25-20, 25-14, 25-10, sa una nitong laro sa pagbubukas ng AVC Asian Women’s Club Championships sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna kahapon.

Tanging sa unang set lamang nakapagpakita ng lakas ang Kwai Tsing, na binubuo ng mga miyembro ng kanilang pambansang koponan, bago na ito tuluyang nanghina sa sumunod na dalawang set upang maiwanan sa kinabibilangang tatlong bansa na Pool A.

Nagtala ang Tornadoes ng kabuuang tatlong service aces dagdag ang walong blocks at 46 attacks upang iuwi ang importanteng panalo na inaasahang makapagtutulak dito sa susunod na labanan sa quarterfinals.

Unang nakaiskor ang Kwai Tsing at nagawa pang itala ng 8-4 abante matapos na tila nangangapa naman na nagsimula ang mga manlalaro ng Foton sa unang set bago na lamang nakuha ng host ang kanilang laro upang tuluyang agawin ang panalo.

Agad na pinagsalo ni Foton Pilipinas coach Fabio Menta ang dalawa nitong import na sina Ariel Usher at Lindsey Stalzer sa ikalawang set upang agad na sungkitin ng panalo bago na lamang hinayaan ang
all-Filipino squad sa ikatlong yugto tungo sa pangunguna sa Pool A.

Sunod nitong makakasagupa ang Lien Viet Post Bank ng Vietnam ngayong alas-2 ng hapon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending